Facebook

‘Bedridden’ na Manilenyo may ‘home service vaccination’

MISMONG ang lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila ang magtutungo sa bahay ng isang “bedridden” citizen sa lungsod upang mabakunahan kontra COVID-19.
Ito ang ipinahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso nang inilunsad nila ang “home service vaccination” para sa mga may karamdaman at walang kakayanang magtungo sa itatalagang vaccination sites ng lokal na pamahalaang lungsod.
Aniya, ipalista lamang sa nakakasakop na barangay ang pangalan at tinitirhan ng isang bedridden patient na nais magpabakuna upang mapuntahan ito ng kawani ng Manila Health Department (MHD) at maturukan ng COVID vaccine.
Pinaalalahanan naman ang mga bedridden patients o may kinakaharap na comorbidity na walang kakayanang makapunta sa mga vaccination sites na magpakonsulta sa kanilang doktor bago magpatala sa pagpapabakuna kontra COVID-19.
Samantala, batay sa pinakahuling datos ng MHD, umabot na sa 72,141 frontline workers (A1), senior citizens (A2), at individuals with comorbidities (A3) ang nabakunahan kontra COVID-19 sa Lungsod.
Nagpapatuloy ang isinasagawang bakunahan. Ngayong araw ay kabilang sa babakunahan ang A1.1-A1.7, A2, at A3 group.
Narito ang listahan ng vaccination sites para sa mga tatanggap ng kanilang first dose: District 1 – Emilio Jacinto Elementary School; District 4 – Ramon Magsaysay High School; at District 5 – Justo Lukban Elementary School.
Makatatanggap narin ng second dose ng bakuna ang medical frontliners mula sa A1.1-A1.7 group na nakakuha ng kanilang first dose noong March 2 hanggang March 18. Gaganapin ito sa Palacio de Maynila, Roxas Boulevard ngayong araw.
Patuloy ang paghihikayat ni Yorme Isko sa mga indibidwal na kabilang sa priority sectors na magpabakuna lalo na’t limitado pa ang bilang ng COVID-19 vaccines na dumarating sa bansa.
Aniya, lahat ng interesadong magpabakuna kontra COVID-19 ay maaaring mag-register sa https://ift.tt/3cQKROp. (Jocelyn Domenden)

The post ‘Bedridden’ na Manilenyo may ‘home service vaccination’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Bedridden’ na Manilenyo may ‘home service vaccination’ ‘Bedridden’ na Manilenyo may ‘home service vaccination’ Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.