Facebook

Kutsilyong sa katawan ng binata sa loob ng isang taon nakuha na

BUTUAN CITY – Nagpapagaling na si Kent Ryan Tomao, ang binatang nadiskubre na may nakabaon na kutsilyo sa kanyang katawan sa loob ng mahigit isang taon nang matagumpay ang isinagawang operasyon sa Cotabato Provincial Hospital (CPH).
Matatandaang si Tomao, 25 anyos, taga-Kidapawan, North Cotabato, ay nagbaka-sakaling makapagtrabaho sa isang minahan sa Agusan del Sur, ngunit hindi tinanggap ng kompanya nang madiskubre sa x-ray result ang nasabing kutsilyo na may habang 5-pulgada sa loob ng kanyang katawan.
Una nang inihayag ni Tomao na nasaksak siya sa kanilang lugar ngunit wala siyang alam na naiwan sa loob ng kanyang tiyan ang patalim dahil tinahi naman ng doktor ang kanyang natamong sugat at wala rin siyang naramdamang sakit.
Napag-alamang pina-x-ray siya sa ospital ng naturang kompanya at doon nandiskubre ang lahat.
Sa ngayon, umaasa si Tomao na makakakita na siya ng trabaho sakaling tuluyan na siyang makakarekober.
Una nang nagpahayag ang ospital na bibigyan nila ng trabaho si Tomao pagkatapos ng kanyang operasyon.

The post Kutsilyong sa katawan ng binata sa loob ng isang taon nakuha na appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Kutsilyong sa katawan ng binata sa loob ng isang taon nakuha na Kutsilyong sa katawan ng binata sa loob ng isang taon nakuha na Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.