Facebook

Shabu pa!: P3.9m droga huli sa 4 tulak sa Maynila

TIMBOG sa mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Manila Police District ang apat na drug suspects sa magkakasunod na buy bust operations sa Maynila kungsaan nasa kabuuang P3.9 million halaga ng shabu ang nasamsam.
Ayon kay PNP Chief, General Debold Sinas, unang naaresto sa operation sa Pedro Gil St., Pandacan, Manila si Bellia Odin, 46 anyos. Nakuha sa kanya ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P340,000.
Nitong April 13, naaresto naman si Abdulmanan Buisan, 41, na nahuli sa Harrison St. corner P. Ocampo St. Malate, at nakuha sa kaniya ang nasa 367.6 grams ng shabu na nagkakahalaga ng P2.5 million.
At nitong April 14, arestado ang isang Sarah Manonog at Marissa Manansala sa Bgy. 155, Tondo sa 160 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng higit P1 million.
Sa kabuuan, aabot sa 560 gramo ang nasamsam sa apat na may estimated street value na P3.9 milyon. (Gaynor Bonilla)

The post Shabu pa!: P3.9m droga huli sa 4 tulak sa Maynila appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Shabu pa!: P3.9m droga huli sa 4 tulak sa Maynila Shabu pa!: P3.9m droga huli sa 4 tulak sa Maynila Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.