ANG GinKings sa PBA ay may never-say-die spirit sa lahat ng kanilang laban kung kaya ang sigaw ng Ginebra fanatics ay NSD, NSD, NSD sa mga laro nila.
Ito ang tinatawag na bentahe ng prangkisa mula pa noong panahon ni Robert Jaworski hanggang kay Mark Caguioa at ngayon kay Scottie Thompson. Sila ang parating may homecourt advantage sa dami ng kanilang mga tagahanga sa mga venue.
Bininyagan naman ng ilang eksperto na ang mga fan ang sixth man ng koponan kaya parati silang lamang di pa nag-uumpisa ang laban sa katapat na team.
Sila kasi ang bumubuhay sa laro. Kahit tambak na ay nandiyan pa rin sila upang i-cheer ang mga iniidolo sa basketball na dahilan naman upang mag-rally at abutan ang katunggali. Walang gayan na taga-subaybay ang ibang squad. Isang phenomenon na baka hindi na maulit sa kasaysayan ng basketball sa atin.
Ang mga supporter naman ng ating Pangalawang Pangulo ay madalas nag-vovolunteer sa kanyang mga proyekto sa Angat Buhay.Batid natin na napakaliit ng budget ng OVP. Mabuti na marami ang nakikipagtulungan na mga kumpanya, NGO’s at PO’s sa kanilang tanggapan upang matugunan ang mga kahilingan ng taong-bayan lalo na yung mga nasa liblib na lugar sa bansa.
Nandiyan ang libreng medical at legal consultation, livelihood training, job placement at pakain sa pag-iikot ng grupo. May mga organisasyon din na nagpopondo ng pagpapagawa ng silid-aralan at dormitoryo, pagbili ng school shuttle, pagkakaloob ng malalaking water purifier at mga gamit ng mga magsasaka at mangingisda.
Ang isang samahan kung saan tayo kabilang ay ang Linking Engaging Active Pinoys (LEAP) na katuwang ng ating Busy Presidente sa kanyang Metro Laylayan mula pa noong 2017. Kabilang din ang LEAP sa nagpapatayo ngayon ng eskwelahan sa Salcedo, Eastern Samar. Magiging Senior High School nila ang dalawang classroom.Nito namang Biyernes ay pinangunahan ng LEAP ang pagseselebra ng kaarawan ng ating Busy Presidente sa pagpapalugaw sa ating mga kababayan sa apat na sulok ng Pilipinas. Ito’y tinawag nating National Lugaw Day (NLD) bilang pagpupugay sa binansagang Lugaw Queen.Libo-libong katao ang nabiyayaan noong ika-23 ng buwang kasalukuyan. Mula Paranaque hanggang Pulilan, Caloocan hanggang Calumpit, Tinambac hanggang Tarlac, Naga hanggang sa New York at sa marami pang bayan sa Pinas. Opo umabot ang lugawan hanggang sa Big Apple kung saan sangkatutak ang mga Pinoy na nakiisa sa atin.“ Nais din namin ipagdiwang ang araw ng pagkakaisa at pagkilala sa tunay na lingkod-bayan,” wika ng guro na si Elvira Galang.Abot-abot ang pag-acknowledge ng mga nakatikim ng masarap at mainit na meryenda na binili sa isang popular na brand.“Ang pamunuan ng Ospital ng Paranaque District 2 ay lubos na nagpapasalamat sa ayuda na inyong dala at natutuwa kami na kinikilala ninyo aming mahalagag papel sa panahong ito,” sabi ni Dr. Catherine Bonifacio ng ONP D2.“ Thank you very much po sa pantawid-gutom ng ating mga miyembro na hirap na hirap sa pandemyang ito,” eka ni Toto Ruaya ng TODA-BLS.Yan ang kwentong NLD, ang bagong bayanihan! Walang ibang opisyal na may ganitong following na nag-conduct ng kakaibang gawain para sa mga mamamayan. Sariling kusa at galing sa sariling bulsa.
Mabuhay GinebraNation at VPLRepublic!
***
Kahapon naging bisita natin sa OKS@DWBL si Rolando Bohol ang dating flyweight na kampeon ng IBF at ngayo’y kilalang mangangalakal.Naninirahan na ang Negrenseng (opo hindi siya Boholano) boksingero sa Las Vegas kung saan nakabase rin ang kanyang online na negosyo.Sa susunod na pitak ang kwento ng kanyang buhay. Mga pagsubok at tagumpay.
The post NSD at NLD! appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: