UNA SA LAHAT… pinasasalamatan ko ang mga kaibi-gan, kakilala at hindi personal na kakilala na bumati sa aking kaarawan nitong Lunes. Wala pa naman ako sa Grand Lotto. Hehehe
Op kors many many thanks… sa mga kaibigang nagpa-Grab ng pagkain. Hindi ko na sila babanggitin baka makulayan pa. Hehe.. Again… maraming maraming salamat po. God bless us all.
***
SINO kaya ang “stupid” sa pagitan ng mga senador at military general sa isyu ng red tagging sa ilang organizers ng community pantry sa bansa.
Matapos taguriang komunista ni General Antonio Parlade Jr, kasalukuyang pinuno ng Southern Luzon Command at tagapagsalita ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang ilang organizers ng community pantry partikular si Patricia Non ng Maginhawa pantry sa Quezon City, pinuna ng mga senador ang anila’y kalokohan ni Parlade at kinuwestyon ang pinaggagamitan ng P19 bilyong pondo ng task force na ayon kina Sen. Joel Villanueva at Sen. Sherwin Gatchalian ay mabuti pang i-reallocate nalang ito sa ayuda, bagay na sinuportahan ng marami pang mambabatas.
Pero sa halip na mabahala sa banta ng mga senador, sinabihan ni Parlade ang mga ito na “stupid”.
Dahil dito ay sinabi ng batikang Senador na si Frank Drilon na dapat sibakin si Parlade as NTF-ECAC Spokesman.
Say ni Drilon, sa 24 years niyang mambabatas ay ngayon lamang siya nakarinig ng “stupid” sa kapwa opisyal ng gobyerno. Wala itong respeto. Bastos sa madali’t salita!
Ganito rin ang naging reaksiyon nina Sens. Panfilo Lacson, Nancy Binay, Liela de Lima, Risa Hontiveros at Kiko Pangilinan.
Kung tutuusin ay ‘di puede si Parlade maging spokesman ng NTF-ELCAC dahil isa itong aktibong opisyal ng militar na ipinagbabawal humawak ng anumang puwesto sa civilian organization, ayon sa ating Saligang Batas.
Inatasan na ni Presidential Security Adviser Hermogenes Esperon at AFP Chief Cirilito Sobejana si Parlade na manahimik at umagwat na sa mga community pantry.
Inatasan din ng pamunuan ng AFP ang mga sundalo na tumulong nalang sa mga oganizer ng community pantry. Very good!
***
Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) gusto pang palawigin ng hanggang dalawang linggo sa NCR Plus.
Ito ang binigyang diin ni Health Secretary Francisco Duque sa isang panayam ng radio DZMM nitong Lunes.
Sabi ni Duque, mataas parin ang bilang ng Covid cases sa NCR Plus (Bulacan, Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna) sa kabila ng sumailalim na sa 2 weeks lockdown at MECQ simula pa nung Semana Santa.
Ayon kay Duque, punuan parin ang mga hospital ng Covid patients. Pero hindi narin naman tulad nung bago isailalim sa lockdown ang NCR Plus.
So far as of Sunday 4pm, Abril 25, 2021, ang kabuuang bilang ng Covid cases sa bansa ay 997,523. Inaasahang lalagpas ito ng 1 milyong nitong Lunes.
Ang active cases nitong Linggo ay 77,075; at ang mga nasawi ay 16,000. Karamihan naman sa mga namatay ay may mga sakit na talaga bago pa magpositibo sa Covid-19.
Samantala, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI) at sa Metro Manila Development Authority (MMDA), kailangan nang buksan ang ekonomiya partikular sa Metro Manila dahil nag-aangalan na ang mga business establishment at maging ang mga nawalan ng trabaho sa pagsara ng kanilang mga pinapasukan. Kailangan lamang anila na mahigpit na ipatupad ang pagsusuot ng facemask, face shield at social distancing.
Si Pangulong Rody Duterte ang mag-aanunsyo kung ibaba na sa GCQ ang NCR Plus o e-extend ang MECQ ng another weeks or month. Hinihintay natin ang kanyang pahayag Lunes ng gabi.
Keep safe!
The post Stupid appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: