Facebook

‘Wag haluan ng pangpulitikang kulay ang pagsisikap ng bayanihan -Sen. Bong Go

MARIING pinuri ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagsisikap ng mga indibidwal at grupo para sa iba’t ibang inisyatiba para matulungan ang mga komunidad upang malabanan ang krisis dulot ng Covid-19. At sinabi na ang ganitong aksyon ng serbisyo gaya ng community pantries ay sumasalamin sa pagsisikap ng mga Filipino para sa bayanihan spirit lalo na sa mahirap na panahon.
“Kahit noong wala pa po itong pandemyang ito, may mga grupo na talaga o mga komunidad na nagkakaroon ng ganoong inisyatibo. May mga libreng tulong po, ‘yung mga soup kitchen, mga pakain, maganda po itong inisyatibong ganito na nagtutulungan tayo,” wika ni Go.
Nabatid sa isang press statement sinabi ng senator na ang mga ganitongn inisyatiba ay nagpapakita ng pagtulong at pagkamahabagin na paguugali ng mga Pilipino na nagsasabi ng “Alam mo, ang mga Pilipino ay likas na matulungin at lumalabas ngayon ‘yung malasakit sa ating kapwa Pilipino,” ayon pa kay Go.
Bagama’t hinihikayat nito ang bawat isa na lumahok sa pagsisikap ng bayanihan at suportahan ang mga ganitong klase ng inisyatiba para matulungan ang mga komunidad.
Kaugnay nito pinaalalahanan ni Go ang publiko na ‘wag haluan ng pulitika ang mga hakbang sa community pantries gayon ang tanging hangarin ay matulungan ang mga nangangailangan.
“Walang kulay, walang pinipili, at walang pulitika dapat ang pagtulong. Welcome po lahat ‘yan. Kahit anumang kulay — pula, puti, dilaw, asul — lahat ‘yan ay may parte sa bayanihan. Huwag nating haluan ng kulay ang mga inisyatibo ng iilan na nais tumulong sa kapwa nilang Pilipino. Iisa lang naman ang hangarin nating lahat at iyan ay ang maiahon ang buong bansa mula sa krisis na ito,” binigyan diin pa ni Go.
Samantala nanawagan si Go sa mga opisyal na ipagpatuloy ang pagsususlong ng kultura ng empower na mga mamayan na lumahok sa kolektibong pagsisikap para maigpawan ang krisis.
Sinabi pa nito na sahalip na batikusin at lagyan ng kulay pulitika ang inisyatiba ang gobyerno at ang mga mamamayan ay kinakailangan sama samang kumilos para suportahan ang bawat isa.
“Wag natin gawing propaganda ito panlaban sa gobyerno. Marami pong Pilipino na nagmamalasakit sa kanyang kapwa Pilipino na gusto talagang tumulong. Iba po ‘yung panahon ngayon,” dagdag pa ni Go.

The post ‘Wag haluan ng pangpulitikang kulay ang pagsisikap ng bayanihan -Sen. Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Wag haluan ng pangpulitikang kulay ang pagsisikap ng bayanihan -Sen. Bong Go ‘Wag haluan ng pangpulitikang kulay ang pagsisikap ng bayanihan -Sen. Bong Go Reviewed by misfitgympal on Abril 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.