KALINGA – Umaabot sa P37.3 milyong halaga ng marijuana ang nasabat ng mga otoridad sa checkpoint sa Barangay Lacnog, Tabuk City dito sa lalawigan.
Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya mula sa konsernadong mamamayan na may magbibiyahe ng pinatu-yong dahon ng marijuana kaya’t agad na naglatag ng checkpoint ang pinagsanib na mga elemento ng Tabuk City Police Station, 1503 MC RMFB 15, PIU/PDEU 1st Coy KPMFC, PNP Lubuagan, RID PRO-COR, RIU14, at PDEA Kalinga.
Napag-alaman ang ipinagbabawal na “damo” ay galing sa bayan ng Tinglayan at dadaan sa Tabuk City kungsaan inilatag ang checkpoint.
Nang makarating sa PNP Checkpoint ang sasakyan na minamaneho ng isang Sabado Guimba ay agad itong lumiko para sana umiwas pero namataan ng mga nakabantay na mga opera-tiba.
Hinabol ng mga operatiba ang sasakyan, subalit bumaba ang driver nito at tumakas.
Naabutan ng mga operatiba ang itim na Mitsubishi Adventure na may plakang NBZ 7232 na naglalaman ng walong (8) sako ng 311 marijuana bricks na may bigat na humigit kumulang 311 kilos at tinatayang aabot sa P37,320,000.00 ang halaga.
Agad dinala sa himpilan ng pulisya ang mga nasamsam na bricks ng marijuana at ang inabandonang sasakyan para sa kaukulang disposisyon.
Nagpapatuloy pa ang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa tumakas na driver.
(Rey Velasco)
The post P37m marijuana nasabat sa checkpoint sa Kalinga appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: