Facebook

Paslit patay nang arestuhin ng tanod dahil sa paglabas ng bahay sa Pasay

NASAWI ang isang 12-anyos na bata nang hulihin ng mga tanod sa Barangay 184, Maricaban, Pasay City.
Nabatid na nasita ang bata dahil sa paglabas nito sa kanilang bahay, paglabag sa guidelines ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Ayon kay Brgy. 184 Liason Officer Desiree Donovan, nangyari ang insidente April 14 nang arestuhin ang bata, hinawakan ng dalawang tanod na hindi pinangalanan.
Sinasabing iuuwi sana ng mga tanod sa kanilang bahay ang bata pero nagpumiglas umano ito, dahilan para mabagok ang ulo nito at nagkaroon ng brain hemorrhage na nauwi sa kamatayan.
Iginiit ni Donovan na may kasalukuyang sakit ang bata na rheumatic heart disease na isa sa mga dahilan kaya lalo itong natakot nang sinabihang ikukulong kung hindi uuwi. (Gaynor Bonilla)

The post Paslit patay nang arestuhin ng tanod dahil sa paglabas ng bahay sa Pasay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paslit patay nang arestuhin ng tanod dahil sa paglabas ng bahay sa Pasay Paslit patay nang arestuhin ng tanod dahil sa paglabas ng bahay sa Pasay Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.