INIHAYAG ng isang opisyal ng Department of Health (DOH) na posibleng dumating ngayong buwan ang supply ng COVID-19 vaccines ng Pfizer-BioNTech.
“May indication that we might have some Pfizer vaccines that are arriving end of April,” ani Health Usec. Myrna Cabotaje.
“About 194,000 (doses) that will be arriving.”
Halos dalawang buwan nang atrasado ang pagdating ng Pfizer vaccines sa bansa.
Matatandaang noong Pebrero unang inasahan ang delivey ng naturang vaccine supply mula sa COVAX Facility ng World Health Organization.
Pero naantala dahil sa kulang na dokumento para sa “indemnification” ng gobyerno.
Samantala, inamin naman ni Cabotaje na tiyak nang darating sa bansa ang dagdag 1-million supply ng CoronaVac vaccines ng Sinovac mula China.
Ang naturang supply ay binili ng Pilipinas, at naka-schedule na darating sa April 22 at 29.
“And also Gamaleya-Sputnik V (from Russia), may initial na 20,000 doses… the remaining might be arriving by end of April.”
“Ang Gamaleya kasi magkaiba yung first at second dose, so yung 20,000 doses na yan.”
Ayon sa opisyal, magsasagawa ng simulation activity ang pamahalaan dahil -18 degrees ang temperature requirement ng Russian vaccine.
Pagdating naman ng Mayo, nasa 2.5-million doses pa raw ng Sinovac vaccines ang dadating.
Habang 900,000 doses ng AstraZeneca vaccines na mula rin sa COVAX ang inaasahan sa pagtatapos ng Mayo o unang linggo ng Hunyo.
“Sec. Galvez has already signed supply agreement, its just the availability of the vaccines on these dates.”
The post 194-K doses ng Pfizer vaccines darating ngayong buwan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: