Facebook

39 solons pinababasura ang EO na nagpababa sa taripa ng pork imports

NADAGDAGAN pa ng 22 kongresista ang nagpahayag ng suporta sa joint resolution na humihiling na ibasura ang Executive Order No. 128 ni Pangulong Rodrigo Duterte, na naglalayong bawasan ang taripa ng mga pork imports.

Tumayo bilang co-authors ng joint resolution sina Representatives Michael Gorriceta, Ria Christina Fariñas, Leo Rafael Cueva, Onyx Crisologo, Evelina Escudero, Pablo Ortega, Godofredo Guya, Sergio Dagooc, Presley De Jesus, Adriano Ebcas, Len Alonte, Joseph Bernos, Luis Ferrer, Estrellita Suansing, Horacio Suansing, Raymond Mendoza, Greg Gasataya, Alex Advincula, Vilma Santos-Recto, Ed Christopher Go, Diego Ty, at Allan Ty.

Sa kabuuan, 39 na kongresista na ang pumirma sa naturang resolusyon.

Nakasaad sa House Joint Resolution No. 37 na ang pagpapababa sa taripa, pati na rin ang pagdagdag sa minimum access volume ng pork imports, ay lalo lamang magpapahina pa lalo sa local production at food security ng bansa.

Sa ilalim ng EO 128 ni Pangulong Duterte, ang tariff rate para sa imported na karne ng baboy na pasok sa quota o minimum access volumen ay gagawin na lamang 5% sa unang tatong buwan at 10% naman sa ika-apat hanggang ika-12 buwang.

Sa kabilang banda, ang tariff rates para sa imported meat sa labas ng MAV ay itinakda sa 15% sa unang tatlong buwan at 20% naman sa ika-apat hanggang ika-12 buwan.

Ang existing 30% hanggang 40% tariff rate para sa pork imports ay ibabalik lamang pagkatapos ng ika-12 buwan.

The post 39 solons pinababasura ang EO na nagpababa sa taripa ng pork imports appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
39 solons pinababasura ang EO na nagpababa sa taripa ng pork imports 39 solons pinababasura ang EO na nagpababa sa taripa ng pork imports Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.