AMINADO ang Department of Health (DOH) na may ilang Pilipino pa rin ang nagdadalawang-isip sa pagtanggap ng bakuna laban sa coronavirus.
“Marami pa sa atin ang may hesitancy, including sa mga healthcare workers. Although they were given right to refusal to Sinovac and AstraZeneca, their still some portion of them who do not want to be vaccinated,” ani Health Usec. Myrna Cabotaje.
Walang datos ang ahensya sa kung gaano karami ang tumangging magpabakuna.
“We do not really record them because when they come naka-set na yung mind nila na magpabakuna.”
“We are banking na kapag pumunta na sa health facility, ready na magpabakuna.”
Subalit ayon kay Cabotaje, marami rin ang nagpaantala muna sa pagtanggap ng COVID-19 vaccine kahit sila ay rehistrado na.
“(The reported number of) deferrals is about 54,179… ibig sabihin for a later date yung mga vaccination because of several issues like mataas ang blood pressure or hindi pa ready.”
Habang ang iba ay mula sa grupo ng mga buntis at kakagaling lang sa COVID-19 na naghihintay pa ng medical clearance.
Kamakailan nang maglabas ang DOH ng dagdag na guidelines para sa mga comorbidity o may iba pang sakit.
Tinatayang 80% ng mga lokal na pamahalaan sa National Capital Region ang patapos na sa pagbabakuna sa A1 priority group o healthcare workers.
Kaunti na lang din daw ang hinihintay na mabakunahan sa grupo ng senior citizens at may comorbidity.
Samantala, nilinaw ng opisyal na nasa B priority group pa ang mga preso o persons deprived of liberty.
The post Ilang Pinoy may alinlangan parin sa pagtanggap ng COVID-19 vaccines – DOH appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: