BAHAGYANG bumaba ng kauti ang bilang ng tinatamaan ng sakit na coronavirus disease sa bansa matapos nakapagtala lamang ng 9,628 na bagong kaso ang Department of Health (DOH) nitong Lunes, Abril 19.
Sa kabuuan, nasa 945,745 na ang nagpopositibo sa sakit sa Pilipinas.
Halos maabot naman ang bilang ng mga bagong recoveries sa naitalang bagong kaso ngayong araw matapos makapagtala ng 9,266 na gumaling sa COVID-19.
Sa ngayon, nasa 788,322 na ang kabuuang COVID-19 recoveries.
Nasa 88 naman ang bagong mga pumanaw dahilan para maging 16,048 na ang namamatay sa sakit.
Habang nanatiling mataas pa rin ang mga aktibong kaso na umaabot sa 141,375 kung saan 96.9% ang mild cases habang 1.5% naman ang asymptomatic cases.
Mahigpit na paalala ng DOH sa publiko na tiyakin ang ating kaligtasan mula sa peligro dala ng COVID-19 at mahigpit pa ring sundin ang public helath standards upang makaiwas sa sakit at lalo pang mapababa ang bilang ng naitatalang mga kaso. (Andi Garcia/Jocelyn Domenden)
The post Covid update: 9,266 gumaling; 88 nasawi; 9,628 bagong kaso appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: