SA gitna ng epekto ng patuloy na krisis sa buhay ng ilang sektor, patuloy rin sa pagsasagawa ng relief activity ang tanggapan ni Senator Christopher “Bong” Go at sa pagkakataong ito ay mga musikero, entertainers at mga taxi driver naman ang kanyang inayudahan sa Zamboanga City at Misamis Oriental.
“Tulungan niyo po kami ni Pangulong Rodrigo Duterte na harapin itong krisis. Kailangan namin ang inyong kooperasyon… huwag kayong mahiyang lumapit sa amin dahil magkapitbahay lang naman tayo. Kung ano ang problema ninyo, sisikapin namin na solusyunan ito,” ani Go sa kanang video message.
Ang kanyang staff ay namahagi ng meals, vitamins, masks at face shields sa may 508 musicians at entertainers na nawalan ng kabuhayan dahil sa pandemya.
May ilan na nabigyan ng bagong sapatos, bisikleta at computer tablets para sa kanilang mga anak na nag-aaral sa ilalim ng blended learning set-up.
Nauna rito, nagbigay ng iba’t ibang tulong sa mga taxi drivers sa Misamis Oriental ang grupo ni Go sa aktibidad na isinagawa sa Brgy. Nazareth Gym sa Cagayan de Oro City.
Umaabot sa 320 taxi drivers ang labis na nagpasalamat sa ipinakitang malasakit sa kanila ng senador.
“Alam kong hirap pa ang panahon ngayon, nasa krisis pa tayo dahil sa COVID-19, magtulungan lang tayo. Ang importante, malampasan natin itong krisis na ating kinakaharap ngayon. Magbayanihan tayo,” sabi ni Go sa kanyang video message sa taxi drivers.
Lubos na nalulungkot si Sen. Go, chair ng Senate Committee on Health, dahil maraming Filipino, partikular ang daily-wage earners, na hindi nakakapagtrabaho dahil sa dalang krisis ng pandemya.
“Konting tiis lang po. Hindi namin kayo pababayaan ni Pangulong Duterte. Sisiguraduhin naming walang maiiwan tungo sa ating muling pagbangon,” ani Go. (PFT Team)
The post Mga musikero, entertainers, taxi drivers inayudahan ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: