Facebook

P46 kinita ng lalaki sa pagbebenta ng kalakal, ibinigay sa community pantry

ISANG 56-anyos na lalaki na nagbenta ng kalakal mula sa lumang bubungan ng kaniyang bahay ang nagbigay ng P46 na bahagi ng kaniyang kita sa isang community pantry sa Quezon City.
“Isang daang tao [kung] magbigay ng halagang P46, malaking tulong dito sa pantry,” paliwanag ni Yap.
“Naisip ko ang daming nakapila, siguro mas kailangan nila,” dagdag pa niya.
Bukod kay Yap, nagbigay naman si Joaquin Hagederon ng mga tinapay sa sa Maginhawa Community Pantry.
“It’s the best feeling when you give what you can,” saad niya.
Sa Marikina City, sa halip na pagkain, mga sapatos ang ipinamigay ng isang shoe store owner.
Matatandaan na nagsimula ang community pantry sa Maginhawa Street , Quezon City na layuning mabigyan ng makakain ang mga naghihikahos ngayong may nararanasang pandemic.
Ang naturang paraan ng pagtulong ay ginaya na sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

The post P46 kinita ng lalaki sa pagbebenta ng kalakal, ibinigay sa community pantry appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
P46 kinita ng lalaki sa pagbebenta ng kalakal, ibinigay sa community pantry P46 kinita ng lalaki sa pagbebenta ng kalakal, ibinigay sa community pantry Reviewed by misfitgympal on Abril 29, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.