Facebook

Pacquiao vs Garcia tuloy sa Dubai

INANUNSYO ni Arnold Vegafria business manager ni Senator Manny Pacquiao na si Mexican-American boxer Mikey Garcia ang susunod nitong makakalaban.
Sinabi ni Vegafria na inaayos na nila ang ibang detalye ng laban kung saan isasagawa umano ito sa Dubai, United Arab Emirates.
Maaring sa Hulyo o Agosto ang napipili nilang petsa ng nasabing laban.
Mula pa aniya noong nakaraang taon ay mayroon ng negosasyon ang isinasagawa ng kampo ni Pacquiao kay Garcia.
Si Garcia ay 4-division champion na nanalo ng featherweight, super featherweight, lightweight at junior welterweight class.
Mula pa noong 2019 ay puntirya na nito ang fighting senator na makalaban.
Magugunitang bukod kay Garcia ay ilang mga boksingero ang sinasabing nakapila gaya nina Terrence Crawford at Errol Spence.

The post Pacquiao vs Garcia tuloy sa Dubai appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pacquiao vs Garcia tuloy sa Dubai Pacquiao vs Garcia tuloy sa Dubai Reviewed by misfitgympal on Abril 28, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.