Facebook

Pagkamatay sa Covid-19 dumarami, manong Johnny tama ang sabi

LUMALABAS sa pag-aaral at pagaanalisa ng OCTA Research Team ng University of the Philippines na sa panahon ngayon mas mabilis makahawa ang virus na COVID-19 na siyang nagpaparami ng mga namamatay nang dahil sa deadly viruss na ito.

2.02 percent na daw ang rate ng namamatay nang dahil sa COVID-19, lalo na sa Metro Manila, ang ulat ng OCTA Research Team. Di naman natin matatawaran ang galing ng OCTA ( Optical Coherence Tomography Angiography) sa pag-aaral ng UP Research Team, dahil dumadaan talaga ito sa masusing pag-aaral at pagbubusisi.

Napakalayo nga raw ng diprensiya nito kumpara noong October ng nakaraang taon na 1.8 percent lamang ang rate. Kaya sa 100,250 aktibong kaso ng COVID-19 sa kamaynilaan, 2,091 dito ay talagang mauuwi sa pagkamatay. At ang 1,020 sa bilang ng mamamatay ay nasa edad na 64 pababa.

Nakakatakot na di po ba? Kaya naman naalala ko ang sinabi naman ni dating Senador Juan “Johnny” Ponce Enrile sa isang media forum, na ang susi raw para maresolba ang problema sa COVID-19 ay hindi ang gobyerno kundi sa tao o mamamayan.

Naniniwala si “Manong Johnny” na wala namang problema sa paghawak ng gobyerno sa pandemiya. Nagagawa daw nito ang lahat ng pangangailangan para labanan ang kaaway na di nakikita, mula sa pagtatayo ng mga pasilidad upang dagdagan ang kapasidad ng mga ospital; supplies at mga medical o health personnel kahit na nasa kagipitan.

“The key to solve the problem is not the government, it’s the people.” Tao o Filipino at lahat na ng mamamayan ang susi o solusyon sa pandemiyang ito, ayon pa sa senador.

Paliwanag ni Enrile, kung ang mga tao ay may survival instinct para protektahan ang kanilang sarili at pamilya, hindi na kailangan ng bakuna o ng gobyerno.

Pinagdaanan na raw ng bansa ang mga ganitong problema at nagawa naman ng lahat na makaligtas ang karamihan sa mga delubyong mga dumaan gaya ng cholera, malaria, dysenteria atbp. At ngayon ay natataranta tayo, dahil sa dami nating isang daang milyon (100M) na populasyon ay talagang kakapusin ang kapasidad ng mga ospital.

Para kay Manong Johnny, dapat ang mga tao ay makipagtulungan sa gobyerno dahil wala aniyang magagawa ang gobyerno kung hindi makikipagtulungan ang mga mamamayan.

“Kung sumusunod sila sa minimum public health standards gaya ng face mask, face shields, distancing, wash your hands o take a bath, I don’t think they would be so much problem of transmission,” dagdag pa ng senador.

Aniya kapag hindi sumunod sa patakaran at hindi nag-iingat at ang dating kinaugalian ay ginagawa pa rin, ang panganib ng transmission ay laging nariyan, maaaring sa kapitbahay at sa buong bansa.

“If we take care, obey the rules…we do not need government,” pagdidiin pa ni Manong, na inihalimbawa pa ang sarili, na sa edad na 98 ay hindi naman siya tinatamaan ng sakit dahil lagi siyang sumusunod sa mga patakaran.

Kapag aasa lamang aniya ang mga tao sa gobyerno ay hindi sapat ang resources at kakayahan kaya kailangan maging self reliant na may katuturan. Tama naman lahat ng kanyang tinuran, parang sa ating kawikaan “nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.”

Ito ang dahilan ng Administrasyong Duterte kaya tayo ibinalik sa ilalim nang pinaka-mahigpit na quarantine, ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) nang huling dalawang linggo na dumaan. Kasi nga nang ang mga tao ay niluwagan nakalimutan na gawin ang mga tamang pag-iingat upang di magkahawaan.

Kaya lumalabas din sa pag-aaral ng OCTAA Research Team, 1.24 na ang reproduction number ng COVID-19 sa Metro Manila mula noong April 4 hanggang 10, nang ang NCR+ Bubble ay isailalim sa ECQ at ang average na kaso ng COVID-19 kada araw ay naitala sa 4,676 o mas mababa ng 15 percent kumpara sa nakaraang linggo.

Pero nilinaw din ng OCTA na hindi pa ito katiyakan para sabihing bumababa na talaga ang kaso ng nagka-kavirus. Ang malinaw, ay gawin ng bawat isa sa atin ang tamang mga pag-iingat upang talagang mapigilan ang hawaan.

The post Pagkamatay sa Covid-19 dumarami, manong Johnny tama ang sabi appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagkamatay sa Covid-19 dumarami, manong Johnny tama ang sabi Pagkamatay sa Covid-19 dumarami, manong Johnny tama ang sabi Reviewed by misfitgympal on Abril 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.