Facebook

“E-tanong Mo Kay Dok” inilunsad ng PCUP

MAGANDA at malaking katulungan sa mga mamamayan nating lubhang naapektuhan ng mahigit isang taon nang COVID-19 PANDEMIC ang nalikhang pangkatulungan ng PRESIDENTIAL COMMISSION FOR THE URBAN POOR (PCUP) sa mga mahihirap nating mamamayan para masolusyunan ang iba’t iba nilang nararamdamang sakit sa pangangatawan na hinde na magtutungo pa sa mga pagamutan.

Ang inilunsad ng PCUP nitong nakaraang Huwebes ay ang ONLINE MEDICAL CONSULTATION para sa MARALITANG PILIPINO na may temang “E-Tanong mo.kay Dok!”.., para sa pagbibigay ng libreng serbisyo sa taumbayan hinggil sa mga usaping pangkalusugan at medikal na katanungan lalo’t higit ang nauukol sa COVID-19.

Ang inisyatibong ito ay sa pangunguna ni PCUP CHAIRMAN at CEO, UNDERSECRETARY ALVIN FELICIANO kaisa ang mga PCUP COMMISSIONERS na sina Commissioner Norman B. Baloro, Commissioner Randy H. Halasan, Commissioner Romeo H. Jandugan at Commissioner Melvin P. Mitra sa pakikipagtulungan ng PCUP Health Unit at ang resident Doctor/Physician ng Komisyon na si Dra. Henedina “Doc Neddy” Dela Cruz.

Ang online consultation na ito ay sa pamamagitan ng Facebook messenger na kung saan ay maaaring magpadala ng kanilang mensahe, katanungan o concern ang kahit na sino sa mga maralitang tagalungsod na sasagutin ng PCUP sa pamamagitan ng Facebook page nito via @PCUPOfficial.

“Karamihan po sa ating mga kababayan ngayon lalo na ang mga lubhang naapektuhan ng pandemya ay wala nang kakayahan pa na magpacheck-up o komunsulta sa mga doktor dahil sa hirap ng buhay, punuan sa mga Ospital at Quarantine Facilities, kaya naman, ang paglulunsad ng ‘E-Tanong mo kay DOK!’ ay malaking tulong para sila ay mabigyan ng medikal na serbisyo online. Bahagi rin ang programang ito ng patuloy na pagkilos ng aming Tanggapan upang magpaabot ng suporta sa mga medical frontliners na nakikipagbakbakan laban sa COVID-19 at maghatid ng atensyong medikal sa mga kababayang nais magpakonsulta ng kanilang karamdaman”, pahayag ni USEC FELICIANO.

Ang mga magnanais na magpakonsulta sa PCUP E-Tanong mo kay DOK! ay magpadala lamang po ng inyong mensahe sa Official Facebook Page ng PCUP sa https://ift.tt/32osRVh. Naka-post din dito ang kumpletong mga detalye kung papaano makakapag-avail ng medical consultation services mula sa Komisyon.

***

MGA PET SPA SESERBISYUHAN NG QC VET!

Makakakompetensiya na ng mga PRIVATE PET CLINIC ang QUEZON CITY PUBLIC VETERINARY CLINIC sa pag-aalok ng mga serbisyo tulad ng consultation, treatments, vaccination, grooming o SPA, mga gamot at animal supplies sa murang halaga kumpara sa singilan ng mga pribadong klinika para sa mga alagang hayop.

Ang panibagong serbisyo ng QC GOVERNMENT ay bunsod sa pagkakaapruba ng ORDINANCE No. SP_2658, S-2019 o ang THE QC PUBLIC VETERINARY CLINIC ORDINANCE na isinulong ni QC 1st DISTRICT COUNCILOR NICOLE ELLA “NIKKI” CRISOLOGO sa layuning mapababa ang halaga ng bayarin sa mga serbisyong ipagkakaloob ng naturang lungsod kumpara sa bayaring-serbisyong singil ng mga PRIVATE VETERENARY CLINIC.

“Malaki ang maitutulong nitong ating Ordinansa para sa mga low income Pet Owners dito sa QC dahil kayang kaya na ring ialok ng ating Public Veterinary Clinic ang mga serbisyong nakikita natin sa mga private Pet Clinic sa murang halaga. Natutuwa naman ako dahil sa murang charges ay hindi ito mabigat sa bulsa ng ating mga kababayan dito sa QC na may mga alagang hayop,” pahayag ni KONSEHALA CRISOLOGO.

Aniya, sa panahon ngayong Pandemiya ay kailangan umanong matulungan ang ating mga kababayan na pagaanin ang kanilang mga gastusin dahil ilan sa mga ito ang nahihirapan na sa pang-araw araw na bayarin at iba pang pangangailangan sa harap ng kasalukuyang krisis.

“Malaki rin ang maitutulong nito sa mga kababayan natin dito sa QC lalo ngayong ang dami nang umaaray sa hirap ng buhay. Kahit papaano makakagaan ang Ordinansang ito para sa mga low income Pet Owners,” pagpupunto pa ni KONSEHALA CRISOLOGO.

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post “E-tanong Mo Kay Dok” inilunsad ng PCUP appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“E-tanong Mo Kay Dok” inilunsad ng PCUP “E-tanong Mo Kay Dok” inilunsad ng PCUP Reviewed by misfitgympal on Abril 17, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.