Patay ang isang preso nang magbigti sa loob ng custodial facility ng Aritao Police Station sa Barangay Poblacion, Aritao, Nueva Vizcaya.
Kinilala ang biktima na alyas Valdez, 37-anyos, may-asawa, laborer at residente ng Barangay Kirang, Aritao ng lalawigang ito.
Sa report, may kinakaharap si Valdez na kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Lumabas sa imbestigasyon ng Aritao Police Station na 12:00 ng madaling araw nang matuklasan ang nakabigting si Valdez sa banyo ng pasilidad.
Natagpuan si Valdez ng kapwa preso na si Nestor Sadinas, 51, magsasaka.
Nagbigti si Valdez, gamit ang basketball short cord na itinali sa rehas ng bintana ng comfort room.
Ayon sa ulat, bago nagbigti si Valdez nag-iwan ng mensahe na isinulat niya sa karton na nagsasabing ihatid ang kanyang mga personal na gamit sa kanyang ina. (Rey Velasco)
The post Preso nagbigti sa loob ng presinto appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: