Facebook

“Prof” ayaw iwan ang ancestral house hanggang kamatayan

NASAWI ang isang lola nang ma-trap sa kaniyang nasunog na ancestral house sa Purok 6, Barangay Calaocan, Santiago City.
Kinilala ang biktima na si Nelda Tubay, 67 anyos, walang asawa, dating Professor/ Consultant sa isang unibersidad at residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa Bureau of Fire Protection-Santiago, hinihinalang lampara ang pinagmulan ng malaking apoy na tumupok sa nasabing bahay.
Ayon kay Senior Fire Officer 2 William P. Peralta ng BFP Santiago, 8:00 ng gabi nang makatanggap sila ng impormasyon tungkol sa nasabing sunog.
Nabatid na halos apat na taon nang hindi nagpapakabit ng kuryente ang lola dahil sa mag-isa lang naman umano ito sa kanyang bahay kaya luma-labas na maaring natabig nito ang lampara na nagsanhi ng sunog.
Ayon kay Mariel Tubay, pamangkin ng lola, matagal na nila itong kinukumbinsi na lumipat sa kanilang poder ngunit hindi siya pumapayag dahil hindi niya maiwan ang bahay na kaniyang kinalakihan.

The post “Prof” ayaw iwan ang ancestral house hanggang kamatayan appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Prof” ayaw iwan ang ancestral house hanggang kamatayan “Prof” ayaw iwan ang ancestral house hanggang kamatayan Reviewed by misfitgympal on Abril 26, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.