TANONG lang namin kung ligal ba ang ginagawa ng mga TMRU na mag-checkpoint ng mga motrsiklo dito sa kanto ng Ilaya St., Tondo, Manila, katabi ng simbahan nang walang coordination ng Barangay at wala manlang silang karatola na nakalagay na checkpoint at ang dami pa nila. Halos araw-araw na nilang ginagawa ito, kung hindi sa Ilaya… Tapos timing ng checkpoint nila ay 11am tapos sa hapon ay 4:00. Dapat standard ng checkpoint 9am-10am at 3pm to 5pm. Mukhang pera pera labanan eh. Tapos kinukuha pa ng mga TMRU ang mga susi ng motor which na ang karapatan kumuha noon ay LTO. Paki-check naman po… kawawa naman ang mga tao, hirap na nga sa pandemya e pineperahan pa. – Concerned citizen
3rd SAP ibigay sa mga hindi pa
nabigyan ng mga nakaraang ayuda
Senado at kongreso mamamahagi ng panibagong P10k na ayuda??? PAKIUSAP NAMAN BILANG ISANG FILIPINO, sana naman ang mabigyan ng panukalang ayudang ito ay ang mga hindi nabigyan sa nakaraang tatlong ayuda. Maraming salamat po. – Concerned citizen
May P10K ayuda uli (SAP 3)
Senado at kongreso mamamahagi ng P10k na ayuda? Malamang na ang mamahagi niyan ay ang mga tamad na mga taga-DSWD at ang mga kurap na barangay officials. Paano naman ang mga hindi nabigyan ng unang tatlong ayuda? Mga FILIPINO rin kami. Sana makinabang din kami sa tulong pinansiyal ng gobyerno. Apektado rin kami ng Covid-19. Bigyan naman sana ng atensiyon ang mensahe kong ito. Maraming salamat. – Concerned citizen
The post Reklamo vs TMRU sa Tondo, Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: