Facebook

SBP gumagawa ng paraan para makabalik sa training ang Gilas Pilipinas

GUMAGAWA ng paraan ang Samahang basketball ng Pilipinas para agad makabalik sa ensayo ang Gilas Pilipinas.
Kasunod ito sa kumpirmasyon na magiging host ang Pilipinas ng FIBA Asia Cup Qualifiers sa Hunyo 16-20 sa Clark, Pampanga.
Sinabi ni SBP President Al Panlilio na lahat ng paraan ay kanilang ginagawa para agad na makabalik sa training ang national team ng bansa.
Magugunitang natigil ang training ng Gilas sa Inspire Sports Academy sa Laguna ng ilagay sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila kabilang ang Laguna, Rizal, Bulacan at Cavite hanggang Abril 11 at pinalitan ito ng modified ECQ ng hanggang Abril 30.

The post SBP gumagawa ng paraan para makabalik sa training ang Gilas Pilipinas appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
SBP gumagawa ng paraan para makabalik sa training ang Gilas Pilipinas SBP gumagawa ng paraan para makabalik sa training ang Gilas Pilipinas Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.