Facebook

COVID-19 safety protocols sa workplaces, pinatitiyak ni Bong Go sa employers

IGINIIT ni Senator at Senate Committee on Health chair Christopher “Bong” Go sa mga employers na ipatupad ang alternatibong work arrangements at istriktong ipatupad ang health and safety protocols sa mga workplace para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 upang hindi maapektuhan ang operasyon ng mga esesnyal na negosyo.

Hinimok niya ang mga employers sa public at private sectors na mag-develop ng work guidelines, na nasusunod ang minimum health standards.

“We must live with the realities of the pandemic. Crucial sa new normal ang pagkakaroon ng sapat na safeguards laban sa sakit sa pang-araw araw nating pamumuhay,” ani Go.

“Always observe social distancing, frequent hand washing and respiratory etiquette by wearing masks and face shields at all times. In addition, maintain hygiene measures for frequently touched surfaces, equipment and tools and, most importantly, quickly identify and isolate workers with COVID-19 symptoms to stop further transmission,” dagdag niya.

Sang-ayon si Go sa Department of Trade and Industry na kailangan ang mahigpit na pagpapairal ng guidelines sa work places, gaya ng “no talking, no eating” rule, o pag-iwas sa mga hindi naman mahalagang konbersasyon para mapigil ang COVID-19 transmission.

Muling iginiit ni Go sa pamahalaan na magbigay ng libreng facemasks sa mga lugar na madalas tunguhin ng mga tao para maging ligtas ang publiko.

“Inoobliga natin silang magsuot ng face masks kahit halos wala na nga silang pambili ng pagkain. Uunahin siyempre nila ang bumili ng pagkain kaysa bumili ng mask. Para naman mabuhay, kailangan nilang bumalik sa trabaho pero hindi sila makakapagtrabaho nang maayos kung hindi sila protektado. Kaya dapat lang na bigyan natin sila ng libreng masks,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post COVID-19 safety protocols sa workplaces, pinatitiyak ni Bong Go sa employers appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
COVID-19 safety protocols sa workplaces, pinatitiyak ni Bong Go sa employers COVID-19 safety protocols sa workplaces, pinatitiyak ni Bong Go sa employers Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.