Facebook

Bong Go: ‘Pinas may potensyal sa paggawa ng bakuna, iba pang gamot sa mga sakit

NANINIWALA si Senator Christopher “Bong” Go na malaki ang kakayahan ng Pilipinas sa paggawa at pagpoprodyus ng bakuna laban sa virus o iba pang mga gamot sa sakit at aniya’y napapanahaonna ito para maisakatuparan.

Kaya naman pinuri ni Go ang pagsisikap ng national government, sa tulong ng mga pribadong sektor, na mapalakas ang kapabilidad ng Pilipinas para makalikha at kalauna’y maging prodyuser ng bakuna.

“Napakalaki po ng potensyal ng ating bansa na mag-produce ng sarili nating mga gamot at bakuna laban sa samu’t saring mga sakit. Napapanahon na po upang pag-aralan natin kung papaano tayo magiging self-reliant pagdating sa aspetong ito,” iginiit ni Go.

Ayon kay Go, chairman ng Senate Committee on Health, ang inisyatiba ay hindi lang magpapalakas sa local vaccine supply, bagkus ay makatutulong sa produksyon ng bakuna sa world market sa hinaharap.

Dahl dito, welcome kay Go ang aktibong partisipasyon at pagpapakita ng interes ng iba’t ibang pharmaceutical companies na lokal na makapagmanupaktura ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Department of Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na tinatalakay na ito ng Board of Investments sa mga kompanya na nais maging prodyuser ng COVID-19 vaccines sa bansa.

“Bagama’t mid- to long-term solution ito sa ating hangarin na magkaroon ng sapat na supply ng ligtas at epektibong bakuna sa bansa, maging bukas ang ating isipan at suportahan natin ang mga ganitong inisyatibo,” sabi ni Go.

“Hindi natin alam kung ano pa ang mga idudulot na problema ng COVID-19 sa susunod na mga buwan. Hindi rin natin alam ano pang pandemya ang haharapin natin sa susunod na mga taon. Mas mabuting maging proactive at handa tayo,” nilinaw niya.

Ani Go, mas magiging matagumpay ito kung magtutulungan ang gobyerno at ang pribadong sektor.

“Hindi ito laban ng gobyerno lamang, laban ito ng buong sambayanang Pilipino at ng buong mundo. Kaya nga po bayanihan ang isinisigaw natin noong simula palang. Bigyan natin ng oportunidad ang lahat na tumulong,” dagdag niya. (PFT Team)

The post Bong Go: ‘Pinas may potensyal sa paggawa ng bakuna, iba pang gamot sa mga sakit appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Bong Go: ‘Pinas may potensyal sa paggawa ng bakuna, iba pang gamot sa mga sakit Bong Go: ‘Pinas may potensyal sa paggawa ng bakuna, iba pang gamot sa mga sakit Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.