Facebook

Senado sinusuwag ng DOTr at LTO?

NAPAPAKAMOT-ULO ang mga TSUPER dahil tila walang kamandag ang naging atas ng SENADO sa DEPARTMENT OF TRANSPORTATION (DOTr) at ng LAND TRANSPORTATION OFFICE (LTO) para suspendehin ang operasyon ng mga PRIVATE MOTOR VEHICLE INSPECTION CENTER (PMVIC) dahil namamayagpag pa rin daw ang naturang mga center na sadyang pahirap sa bulsa ng mga nagsisipagmaneho ng iba’t ibang uri ng sasakyan sa ating bansa.

Ayon sa mga TSUPER na nakakasalamuha ng ARYA ay tuloy pa rin umano ang operasyon ng mga PMVIC sa kabila ng ipinalabas na resolusyon ng COMMITTEE ON PUBLIC SERVICES na pinamumunuan ni SEN. GRACE POE noong February 16 na inaatasan ang DOTr at LTO na suspendehin ang operasyon ng PMVIC dahil sa iba’t ibang isyu ng mga kaanumalyahan.

Naihayag naman ni LAWYERS FOR COMMUTERS SAFETY AND PROTECTION (LCSP) FOUNDER ATTY. ARIEL INTON na bagama’t hinde na mandatory ay wala pa ring ipinagbago dahil tuloy pa rin ang operasyon ng PMVIC.

“Tuloy pa rin po ang PMVIC operations.., kahit sabihin pang binabaan nila ang halaga ng mga bayarin e ang atas ng Senado ay suspendehin ang kanilang operasyon, pero hanggang papel lang pala yung inilabas na kautusan ng mga mambabatas, lumalabas e mas makapangyarihan ngayon ang DOTr at LTO,” pahayag naman ng isa sa mga nadidismayang TSUPER na nakiusap huwag kong ilagay ang kaniyang pangalan at baka siya naman ang pahirapan ng LTO sa pagpapa-inspection ng kaniyang sasakyan.

Ang pinalagan ng mga TSUPER ay ang pinabigat na singil ng mga PMVIC na halagang P1,500 – P1,800 ang bayad para sa sasakyang may bigat na 4,500 kilograms at sa re-inspection fee naman na P750 kapag hinde nakapasa ang sasakyan sa unang test. Sa mga pamasadang jeepney, tricycles at motorcycles ay mula sa P300 – P600 at re-inspection fee na P150 – P300.

Dahil sa pagkondena ng mga TRANSPORT SECTOR sa mala-modus na panghoholdap…, este paniningil dahil may mga bagong bili na mga sasakyan na tumalima sa inspection e bagsak sa panuntunan ng PMVIC kaya RE-INSPECTION na naman at panibagong bayad. Alangan naman na ang mga CAR DEALER e magbebenta ng mga sasakyang may depekto sa mga ipinaiiral ng DOTr at LTO?

Kaya noong February 11 ng kasalukuyang taon ay naglabas ng MEMORANDUM si ASSISTANT SECRETARY EDGAR GALVANTE ng “discontinuance of the mandatory vehicle testing by PMVIC” at ang dating inspection fee na kanilang sinisingil ay pinababa ang presyo sa halagang P300 para sa For Hire Vehicles; P500 para sa motorcycle; at P600 para sa Other Covered Vehicles…, hehehe e balewala pala ang atas ng SENATE na pagsuspende sa PMVIC operations.

“We want to prevent the unnecessary loss of lives and property along our roads, dahil ang road crash, hindi namimili ng panahon— may pandemiya man o wala. Hindi ito namimili ng biktima–mayaman man o mahirap, we can all fall victims to this ‘epidemic on wheels.’ Kaya ‘ho dapat lamang na i-address na natin ito. Ito na ang panahon upang magkaroon tayo ng mas maayos at dekalidad na sistema. We have to recover and thrive amid the pandemic, and in the face of this epidemic called road crash,” pagdedepensa naman ni TRANSPORTATION SECRETARY ARTHUR TUGADE patungkol sa ipinaiiral nilang paghihigpit para sa ligtas na transportasyon.

Bukod sa rason ni TUGADE e may pahabol na resonable sa paghihigpit dahil hinde naman daw masasabing napakamahal na ang una nilang ipinairal na singil.., kasi, ang sistemang ginagawa nila ay makabago at “STATE OF THE ART” para ang mga pagbibiyahe ay ligtas at hinde depektibo ang mga sasakyan.

Ang rason na “STATE OF THE ART” ay ikinasisimangot ng mga kilala kong TSUPER…, dahil ang naturang rason e hanggang “flowery words” lang daw.., kasi, kahit pa bago ang sasakyan na pasado sa lahat ng requirements ay nasa pagmamaneho at kaalaman ng mga TSUPER..,, na anila, ang mga brand new car na ibinebenta sa merkado ay hinde naman ibebenta kung hinde pumasa sa requirements ng DOTr o sa opinaiiral ng gobyerno para sa TRANSPORTATION SECTORS.

Ayon sa mga TSUPER.., ang dapat higpitan ay ang pagbibigay ng lisensiya sa mga magiging TSUPER o dating mga nagmamaneho na gagamit na ng mas matinding pagmamaneho o yaon bang dating motor lang ang minamaneho ay gusto na magmamaneho ng bus o pangarerang mga sasakyan.., kaso nga lang, yung mga kukuha ng drivers license bago pa makapasok sa compound ng LTO ay sangkaterbang FIXERS na ang nag-aabang o nakatambay na sasalubong sa lahat ng magpupuntahan sa LTO at mag-aalok na kaya nilang gawan nang sistema ang pangangailangan depende sa “lagay”… siyempre, kahit ang ARYA ay sasabihing ang mga FIXER ay galamay ng mga tiwaling kawani ng LTO… at may kolekta riyan ang opisina ng LTO Chief, kasi…. kung talagang walang ganansiya ang mga LTO BRANCH CHIEF e wala kang makikitang naglilipana sa kapaligiran ng LTO na mga FIXER… alangan ba namang hinde dumadaan sa kalsada ang mga LTO BRANCH CHIEF para di makita sitwasyon sa paligid?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com o magtext sa 09085841303 para sa inyo pong mga panig.

The post Senado sinusuwag ng DOTr at LTO? appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Senado sinusuwag ng DOTr at LTO? Senado sinusuwag ng DOTr at LTO? Reviewed by misfitgympal on Abril 16, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.