Facebook

“Pag may bakuna, drop everything” — Isko

“DROP everything.”

Ito ang payo ni Manila Mayor Isko Moreno sa lahat ng residente ng lungsod sakaling may dumating na panibagong batch ng bakuna sa lungsod. Iginiit din ng alkalde na kailangang-kailangan na mabakunahan ang sinuman kapag dumating ang pagkakataon upang magkaroon ng karagdagang proteksyon laban sa coronavirus.

“Pag me bakuna, drop everything if you fall under the category na pupuwede magpa-bakuna,” sabi ni Moreno, na ipinaliwanag din na hindi man garantiya ang bakuma upang magkaroon ng immunity ay makapagbibigay naman ito ng proteksyon upang huwag mauwi sa severe case sakaling dapuan ng coronavirus disease ang isang nabakunahan.

Muli ay hinikayat ng alkalde ang mga residente na magrehistro dahil ito lamang aniya ang paraan upang malaman at maimpormahan kung sila ay nabibilang sa kategoryang babakunahan.

“Para kayo ay ma-contact na agad, please register. Pag madaming vaccine, madami din ang site. Pag konti ang vaccine, konti ang site. Once we get hold of the vaccines, ide-deploy namin kaagad. ‘Yan ang kompromiso ko sa inyo,” pahayag ni Moreno.

Ang Maynila ang may hawak ng record ng pinakamaraming nabakunanang indibidwal, gamit ang bakunang kaloob ng national government. Ang biniling bakuna ng kabisera ng bansa ay hindi pa dumarating.

Walang iba kundi si Vice Mayor Honey Lacuna, na isang doktor ang siyang pinaka pinuno ng vaccination program ng lungsod kabilang ang Manila Health Department na pinamumunuan naman ni Dr. Arnold Pangan.

Kaugnay nito inanunsyo ng alkalde ang panunumbalik ng bakuna, Biyernes, Abril 16 para sa kategoryang kinabibilangan ng medical frontliners, senior citizens at mga may mga comorbidities, gayunman limitado lamang ang dosis sa 600 sa bawat isa sa tatlong itinakdang vaccination sites.

Samantala ay sinabi ni Moreno na may 72,134 na ang nabakunahan hanggang Abril 14 sa ilalim ng nasabing kategorya base sa priority list na itinakda ng national government.

Sa kasalukuyan ay mayroon ng 295,370 indibidwal na nakapagrehistro sa https://ift.tt/3cQKROp para sa libreng bakuna. (ANDI GARCIA)

The post “Pag may bakuna, drop everything” — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Pag may bakuna, drop everything” — Isko “Pag may bakuna, drop everything” — Isko Reviewed by misfitgympal on Abril 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.