Facebook

Sen. Go may paalala sa publiko

PINAALALAHANAN ni Senador Christopher “Bong” Go, chairman ng Senate Committee on Health ang publiko na hindi pa rin dapat magpaka-kampante matapos na ibaba sa Modified Enhanced Community Quarantine ang restriksyon sa NCR Plus.

Ipinaliwanag ni Go na may kaunting adjustment lamang sa mga patakaran ng MECQ para masigurong umaandar ang ekonomiya upang hindi umabot sa puntong tuluyang mamatay ang kabuhayan ng mga tao.

Binigyang-diin ni Go na anumang quarantine restrictions na ipatupad ng pamahalaan, ang mahalaga aniya ay disiplina, pag-iingat at kooperasyon ng lahat.

Mahalaga aniyang sumunod ang lahat sa mga health protocols para maging matagumpay ang mga hakbang para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 habang ibinabalik ang sigla ng ekonomiya.

Sa kabilang banda, umapela si Go sa pamahalaan na gawin ang lahat para mabawasan naman ang pinapasan na pasakit ng mga tao.

Giit ni Go, maliban sa mga quarantine restrictions, dapat mayroon ding “concerted effort” na mapalawak at mapabilis ang expansion ng health facilities at ang construction ng modular hospitals para ma-accommodate ang mga severe at critical COVID-19 cases.

Bukod dito, dapat aniya ay ma-augment ang mga medical frontliners sa NCR plus at mga critical areas mula sa ibang rehiyon sa bansa, mapabilis ang vaccination program base sa prioritization list, mapalakas ang COVID-19 testing at contact tracing efforts.

Dagdag pa ni Go dapat din ma-maximize ang mga teknolohiya na meron ang bansa para mapagaan ang pasanin ng health system ng bansa, mapabilis din ang proseso ng PhilHealth services and payments, mabilis na pamamahagi ng government assistance at dapat aniyang mag-adopt ng alternative work arrangements para masiguro ang safety ng working sector.

Samantala, nilinaw ni Go na sa lahat ng desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga quarantine restrictions ay isinaalang-alang nito ang rekomendasyon ng IATF na nangunguna sa laban ng bansa kontra sa COVID-19. (Mylene Alfonso)

The post Sen. Go may paalala sa publiko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Sen. Go may paalala sa publiko Sen. Go may paalala sa publiko Reviewed by misfitgympal on Abril 12, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.