Facebook

“Simpleng thank you lang, sapat na” — Isko

“ISANG simpleng thank you lang sapat na para magpatuloy ako.”

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno na sa kabila ng mahirap na hamong kanyang kinakaharap sa bunga ng pandemya ay nakakakuha pa rin siya ng inspirasyon dahil alam niyang nakapagbibigay siya ng ngiti sa mukha ng mga residente ng kabisera ng bansa.

Ayon kay Moreno sa mga nababasa nya, nakikita at naririnig na mga pasasalamat sa nararanasan nilang serbisyong kaloob ng pamahalaang lokal ay sapat na upang mabuo ang araw niya.

“When you say thank you, ‘yan ang nagbibigay sa akin ng inspirasyon at lakas ng loob that things are being put to proper order at nahawakan ninyo…tangible,” sabi ng alkalde.

“ A simple thank you ay ‘energizer’ ko. It is a proof that people receive the intended services from the LGU (local government unit),” dagdag pa nito.

Hiniling din ng alkalde sa mga residente na pasalamatan din ang mga taga-deliver ng food boxes sa kanila-kanilang tahanan at gayundin ang mga social workers na namahagi ng SAP (special amelioration program) funds mula sa national government.

Ayon pa kay Moreno ay maliit na bagay lamang ang pagpapahayag ng pasasalamat kumpara sa panganib na sinusuong ng mga kawani ng gobyerno sa gitna ng pandemya magampanan lamang ang kanilang tungkulin kahit lagpas na sa oras ng trabaho.

Kabilang sa mga kawani ng pamahalaan ay ang Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) sa ilalim ni Dennis Viaje, city engineer’s office sa ilalim ni Armand Andres, department of public services sa ilalim ni Kenneth Amurao, Manila Disaster Risk Reduction Management Office sa pamumuno ni Arnel Angeles at ang social welfare department sa ilalim Re Fugoso.

“Basta umasa kayo na di namin kayo iiwan ni Vice Mayor Honey Lacuna. Kaligayahan naming na mapaglingkuran kayo. Masaya kami sa ginagawa namin para sa inyo at wala akong ibang paghuhugutan ng kaligayahan. Lima singko ang problema ngayon. Di pa ko naghihilamos at goli, problema na agad. Lahat siguro ng public servant pag nakatanggap ng ‘thank you’ ayos na ang buto-buto.”

Pahayag ni Moreno na tuwang-tuwa nang makita ang mga ngiti sa mukha ng mga senior citizens tuwing makakatanggap ng birthday cakes at allowances mula sa lungsod.

“Tunaw na tunaw ako sa appreciation ninyo at dahil diyan ay nai-inspire kami para sinupin ang pananalapi ng lungsod. I don’t care gaano man kabagal dahil ang data na hinawakan ko ay bulok. Kahit nahirapan kami, ang mahalaga ay kung nakamit ba,” sabi pa ng alkalde.

Pinahayag din ni Moreno ang kanyang dating natuklasan na may 154,000 senior citizens na nakalista sa Maynila pero ito ay nasa probinsya lahat.(ANDI GARCIA)

The post “Simpleng thank you lang, sapat na” — Isko appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
“Simpleng thank you lang, sapat na” — Isko “Simpleng thank you lang, sapat na” — Isko Reviewed by misfitgympal on Abril 19, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.