TODAS ang sub leader ng teroristang grupo ng Dawlah Isalamiya nang makipagbarilan sa mga operatiba sa Marawi City, Linggo ng madaling araw.
Kinilala ang napatay na si Usop Nasif alias Abu Asraf, lider ng Dawlah Islamiya sa Lanao del Sur. Sugatan naman ang asawa nito na si Nasif.
Nasutagan sa mga operatiba ng gobyerno ang pitong pulis at isang sundalo.
Ayon kay Brigadier General Jose Maria Cuerpo II, 103rd Infantry Brigade Commander, 3:45 ng madaling araw nang magsagawa ng operasyon ang mga elemento ng PNP at AFP sa Guimba, Marawi City.
Isinagawa ang operasyon nang makatanggap ng report mula sa mga komumidad tungkol sa presensiya ng mga terorista sa lugar.
Dinala ang mga sugatan sa Amai Akpak Medical Center.
(Mark Obleada)
The post Sub leader ng DI todas sa barilan appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: