HINDI mahirap suriin ang asal ni Rodrigo Duterte sa usapin ng pangangamkam ng China sa teritoryo ng Filipinas sa West Philippine Sea (WPS). Sa kanyang pagbubunganga na mag-isa noong Miyerkoles ng gabi, malinaw ang maituturing na pagtalikod sa kanyang sinumpaang tungkulin – ang ipagtanggol ang Saligang Batas at mga batas ng ating bansa.
Sa kanyang pahayag, mas kinikilala ni Duterte ang teyoryang Nine-Dash Line na batayan ng China upang kamkamin ang halos kabuuan ng South China Sea. Hindi kinikilala ni Duterte ang makasaysayang hatol noong 20016 ng Permanent Arbitration Commission ng United Nations Conference on the Law of the Seas (UNCLOS) na hindi kinikilala ang teyoryang Nine Dash Line ng China.
Walang batayan sa kasaysayan o batas ang teyorya ng China, ayon sa UNCLOS Commission. Kinikilala at sinusunod ng international community ang hatol ng Commission at bahagi na ang hatol ng international law. Hindi maipaliwanag ni Duterte kung bakit mas kinikilala ang hyngkag na teyorya ng China.
Sa isang pahayag noong Huwebes, sinabi ni Antonio Carpio, retiradong mahistrado ng Korte Suprema, na isinantabi ni Duterte noong 2016 ang makasaysayang hatol ng Commission na nagsisilbing husgado sa mga sigalot ng mga bansa sa karagatan upang makuha ang ipinangakong $22 bilyon na ipauutang ng China sa mga proyekto ng administrasyong Duterte. Ani Carpio, matatapos na ang anm na taon na panunugkulan ni Duterte, ngunit wala pang 5% ang naibigay ng China bilang bahagi ng ipinangakong pautang sa kanyang gobyerno.
Walang sinabi si Carpio, ngunit malinaw sa kanyang inilatag na mga pangyayari na naisahan si Duterte. Napapasok si Duterte sa isang bitag kung saan si Dterte mismo ang tumayong tagapagsalita ng China. Ang pinakamasakit maituturing na traydor si Duterte sapagkat binigyan niya ng halaga ang ibinasurang teyorya na walang batayan sa kaysayayn at batas.
Pumasok si Duterte sa isang patibong kung saan sila ni Xi Jin-ping ang nagsabwatan upang kamkamin ng China ang teritoryo sa WPS at kunin ng China ang yamang dagat na marapat mapunta sa sa mga Filipino. Simple ang patutsada ni Carpio. Kinuha ng China ang mga galunggong sa ating karagatan, inari na sa kanila, at inangkat natin at binayaran upang ipakain sa ating mamamayan ang marapat na sa atin.
Sapagkat kinilala ni Duterte ang teoryang Nine Dash Line ng China, may mga legal expert ang nagsabing maaaring ituring na pag-abandona ng Filipinas sa makasaysayang hatol ng UNCLOS Permanent Commission. Maaaring ituring ito bilang pagtalikod ng Filipinas sa hatol na sinasabing isang alas na baraha ng bansa sa kanyang relasyon sa China.
Bakit baligtad ang unawa ni Duterte sa usapin? Iisa ang paliwanag: Kampi si Duterte sa China. Isa siyang malaking bahagi ng sabwatan na kunin ng China ang ating teritoryo. Isa siyang traydor sa bayan.
***
MATINDI ang problema ng India sa pandemya. Isa sa pinakamatindi sa mundo. Ngunit kakaiba ang kanilang lider sapagharap sa pandemya. Inako ang responsibilidad at humihingi ng todo-todong paumanhin sa sambayanan. Dito sa atin, ibang-iba ang asal ni Duterte ang alipures sa tao. Hindi sila humihingi ng anumang paumanhin sa sambayanang Filipino.
Imbes humingi ng paumanhin, nagbigay ng order na gumawa ng propaganda upang mapaganda ang kanilang imahe sa publiko. “Maliit na bagay lang iyan’” ani Duterte sa tonong minaliit ang pandemya. Bumanlandra sa mukha niya ang kanyang sinabi. Umabot sa mahigit isang milyon ang nagkasakit at tumataas pa ang bilang. Hindi nila kaya ang krisis sa pandemya.
***
PALAISIPAN ang Sandatahang Lakas kung ano ang magiging papel sa pagharap sa krisis sa WPS. Iba ang bagsak ng salita ni Delfil Lorenza. Kahit paano, pilit niyang nilalabanan ang sinasabi ng commander-in-chief na idinidiin na may “utang na loob tayo sa China.
May mapupulot sa sinabi kamakailan ni Sonny Trillanes sa mga alumni ng Ateneo University. Idiniin niya na propesyonal ng AFP. Sa Konstititusyon ang kanilang katapatan at hindi kay Duterte. Patunay ang kanilang dedikasyon sa Saligang Batas nang tutulan nila ang naunang plano ni Duterte na isantabi ang Konstitusyon at ideklara ang isang revolutionary government. Hindi sila simuporta.
Sa maikli, hindi sila bilib kay Duterte sa pagkiling sa China. Mapapahiya ang kanilang commander-in-chief sapagkat ayaw ng mga sundalo na hawakan tayo ng China.
***
MAY mga ilang post ako sa aking social media account. Pakibasa na lang:
“For Rodrigo Duterte, the Nine-Dash Line theory is more than important than any other theory, or judicial doctrine. It is the discredited theory that serves as basis for China’s ridiculous claim of ownership of almost the entire South China Sea. The Permanent Arbitration Commission of the United Nations Conference on the Laws of the Seas (UNCLOS) has rejected in its historic 2016 decision the Nine-Dash Line theory, invalidating China’s claim of ownership of South China Sea. Its claim of historic right and presence in South China Sea is untrue, according to the decision. It is fiction. Why Duterte is subscribing to the rejected theory is beyond us. This could be taken as an act of treason.”
“Rodrigo Duterte doesn’t recognize the PHL victory at UNCLOS Permanent Arbitration Commission. He recognizes the failed Nine-Dash Line theory, where China claims ownership of almost the entire South China Sea. Duterte diminishes the PHL stand on the issue of sovereignty and maritime entitlements in the West Philippine Sea, but adopts China’s position and stand as his own (not necessarily the country’s). This is the reason he is being perceived a traitor. This has basis though. Surprises of all surprises, he does not feel offended when accused of being a traitor or Makapili. He even feels it is a badge of honor. What a distorted sense of values …”
“Rodrigo Duterte’s attitude to China is like a woman, who marries her rapist. Nagpapasalamat siya at may utang na loob pa.”
“It’s clear Rodrigo Duterte is for China. We’ve to express our indignation to his sellout of our pride and dignity.”
***
QUOTE UNQUOTE: “It is really really weird to have the President of the Philippines blaming Filipinos for China’s occupation of Scarborough rather than blaming China!” – Joe America, netizen
“Duterte, Bong Go, and Ramon Lopez look so pathetic to believe they could set up one vaccine manufacturing plant in the Philippines in six months … On the contrary, it would take up at least five years to have one in Singapore, not the Philippines. The way they have hounded Sanofi with lawsuits and unfounded accusations on its Dengvaxia vaccine has pushed to put up one in Singapore, not the Philippines. Ano sila hilo at lito?” – PL, netizen
“No law is violated when one feeds the hungry and helps the needy survive in this pandemic. Community pantries should be praised, not profiled; replicated, not red-tagged; supported, not stopped.” – Domingo Egon Cayosa, national president ng Integrated Bar of the Philippines
The post Traydor appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: