Facebook

Uncle nairita sa paulit-ulit na kwento ng pamangkin, tinaga-patay

Patay ang isang pamangkin nang pagtatagain ng tiyuhin nang magtalo sa inuman sa Sitio Soebod, Barangay Mabilo, New Washington, Aklan.
Dead-on-arrival sa Aklan Provincial Hospital si Joseph Masinda alyas “Moroy”, 48, at residente ng naturang lugar.
Naaresto naman sa kanyang bahay si Armando Masinda alyas “Puti”, 60, residente rin ng nasabing lugar at tiyuhin ng biktima.
Ayon kay Police Corporal Police Corporal Eduardo Almirante ng New Washington Municipal Police Station, kapwa lasing ang dalawa nang magkaroon ng mainitang pagtatalo.
Nainis at naingayan umano sa mistulang pagiging sirang plaka ng pamangkin, kung saan, paulit-ulit ang pagkwento sa kanyang mga problema sa buhay dahilan na pinatahimik niya ito.
Dahil dito, nairita ang pamangkin at sinuntok ang tiyuhin sa tagiliran na agad gumanti sa pagkuha ng itak at makailang ulit na tinaga ang pamangkin na tinamaan sa ulo at iba’t-ibang bahagi ng katawan na naging sahi ng kanyang pagkamatay.
Nahaharap ito sa kasong homicide.

The post Uncle nairita sa paulit-ulit na kwento ng pamangkin, tinaga-patay appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Uncle nairita sa paulit-ulit na kwento ng pamangkin, tinaga-patay Uncle nairita sa paulit-ulit na kwento ng pamangkin, tinaga-patay Reviewed by misfitgympal on Abril 23, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.