MATAPOS ang 24 taon na pagtatago sa batas, nadakip ng mga elemento ng Philippine National Police – Anti Kidnapping Group ang isang lalaki na wanted sa kasong murder sa operasyon sa Albuera, Leyte.
Kinilala ang naaresto na si Edwin Horcas.
Sa report, 5:45 ng hapon nang madakip si Horcas sa Sitio Naga, Barangay Tinag-an, Albuera.
Inaresto si Horcas ng mga elemento ng PNP – AKG Visaya Field Unit sa bisa ng warrant of arrest sa kasong murder na ipinalabas ni Judge Pepe O. Domael ng RTC Branch 15 sa Burauen, Leyte noong June 19, 2001.
Ayon sa report, si Horcas kasama ang 2 pa ang pangunahin salarin sa pagpatay sa isang Cipriano Fernandez noong Jan. 22, 1998.
Nasa kustodiya na ng Albuera Municiapal Police si Horcas at hinahanap narin ang dalawa pang kasamahan nito na nagtatago. (Mark Obleada)
The post Wanted na 24 taon nagtago huli sa Leyte appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: