Facebook

1 patay, 1 missing sa ulan at baha sa Davao

Isa ang patay habang patuloy na pinaghahanap ang 4-anyos na bata dahil sa malakas na pag-ulan sa Davao region.
Sa ulat, isa sa mga namatay ang 9-anyos na batang babae nang anurin ng baha sa Dipag 2, Manuel Guianga sa Davao City.
Kinilala ang biktima na si Ashley Dela Cruz na nadulas sa kasagsagan ng malakas na pagbaha sa ilog.
Sinasabing nagbakasyon lamang sa kanyang lola sa nasabing lugar ang bata at susama sa kanyang 11-anyos na pinsan para kumuha ng module ng mangyari ang insidente.
Wala ng buhay ang biktima nang marekober at nagtamo ng maraming pasa sa ulo na posibleng nabagok habang inanud ng baha.
Samantala, missing rin ang isang apat na taong gulang na bata na residente ng Pabahay, Papag, Brgy. Poblacion, Caraga, Davao Oriental na sinasabing nalunod habang nasa creek.
Ayon sa Caraga Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) pahirapan ang paghahanap sa biktima dahil sa tubig baha at ipagpapatuloy ang kanilang operasyon ngayong araw.
Nanawagan naman si City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) head Alfredo Baluran sa publiko na manatiling alerto lalo na sa mga naninirahan sa low lying at landslide prone areas.
Ang nararanasan na mga pag-ulan sa Davao region at ibang bahagi ng Mindanao ay dulot ng localized thunderstorm at inter-tropical convergence zone.

The post 1 patay, 1 missing sa ulan at baha sa Davao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
1 patay, 1 missing sa ulan at baha sa Davao 1 patay, 1 missing sa ulan at baha sa Davao Reviewed by misfitgympal on Mayo 08, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.