
ISANG ang kumpirmadong nasawi sa sunog sa Port Area, Manila nitong Miyerkules ng hapon.
Kinilala ang nasawi na si Ricky Sebastian na natagpuan ang sunog na bangkay Huwebes ng umaga.
Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa 4th floor ng bahay ng pamilya ni Hadji Usman.
Itinaas ang sunog sa ikatlong alarma 6:03 ng gabi, kungsaan ang mga apektadong bahay ay pawang gawa sa light materials.
Mabilis na kumalat ang apoy kaya’t nasa higit 1,000 pamilya ang nawalan ng tirahan at tinatayang nasa 3 milyong pisong halaga ng ari-arian ang natupok.
Kaugnay nito, nagpadala na ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog.
Kabilang sa ibinigay na tulong ang pagkain at tubig habang magtatayo narin sila ng mga tent na pansamantalang tutuluyan ng mga nasunugang pamilya.(Jocelyn Domenden)
The post 1 patay sa sunog sa Port Area, Manila appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: