
NAKUNAN ng litrato ang pagsisiksikan sa venue ng mga senior citizen na kukuha ng kanilang social pension sa covered court ng Barangay Concepcion, Pequeña, Naga City nitong Miyerkules.
May mga nakaupo at nakatayo sobrang lapit sa iba kaya hindi nasunod ang social distancing.
May mga nagreklamo dahil nga sa may pandemya ngayon at delikadong magkasakit ang mga may edad na naroroon.
Nagpaliwanag naman si Anabelle Vargas, ang head ng Naga City Social Welfare and Development Office, hinggil sa nangyari.
Sabi ni Vargas, barangay clustering ang ginawa nila. Pinagsama-sama nila sa isang venue ang tatlong barangay ng Del Rosario, Concepcion Grande at Pequeña. Hindi aniya nila inasahan na dudumugin sila ng mga benipisyaryo.
Naayos naman kaagad ang problema nang paghiwa-hiwalayin, naibigay ang tig-tatlong libong piso sa 900 senior citizens.
The post Senior citizens nagsiksikan sa pagkuha ng social pension sa Naga City appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: