Facebook

Be careful what you wish for

MALAMANG ay pinagsisisihan na ngayon ng Los Angeles Clippers ang pag-tank nila sa kanilag huling dalawang laro sa regular season.

Dapat sana kasi ay No. 3 seed ang Clippers kung hindi sila nagpatalo sa mga lottery-bound teams na Houston Rockets at Oklahoma City Thunder.

Pero dahil sa pangambang mapupunta sila sa bracket ng Los Angeles Lakers ay mas minabuti ng Clippers na matalo against the Rockets and Thunder para bumagsak sa No. 4 seed at makaharap muli sa first round ng playoffs ang Dallas Mavericks.

Last year ay tinalo nila ang Mavericks, 4-2, kaya siguro kumpiyansa sila na madali silang uusad. Nalimutan yata nila na pinahirapan sila ni Luka Doncic kahit na injured ang sidekick niya na si Kristaps Porzingis.

Ngayon ay 2-0 na ang Mavericks against the Clippers at sa home court ng Dallas gagawin ang next two games kaya malaki ang posibilidad na mawalis this year ang Clippers.

Kumana ng triple-double sa Game 1 si Doncic bago magpasabog ng 39 puntos sa Game 2. Siya ang unang player sa history ng NBA na nakagawa ng at least 250 points, 70 rebounds and 70 assists sa unang walong playoff games.

Hindi tayo magugulat kung malayo ang mararating ng Mavericks this post-season dahil habang tumatagal ay mas lalong nagiging dominant ang kanilang superstar. Dagdag pa rito ang injury woes ng ibang contenders sa Western Conference.

Coming off injuries ang key players ng Utah Jazz na sina Donovan Mitchell at Mike Conley habang injured naman ang sidekick ni Nikola Jokic sa Denver Nuggets na si Jamal Murray. Galing din sa mahabang pahinga sina LeBron James at Anthony Davis ng Lakers dahil sa injuries.

Hindi maganda ang start ng Mavericks sa regular season pero uminit sila at the right time.

Dinala ni LeBron ang dating koponan na Cleveland Cavaliers all the way to the finals sa ikalawang pagkakataon niya na makapasok sa playoffs. Posibleng magawa rin ito this year ni Doncic on his second stint sa playoffs with the Mavericks.

The post Be careful what you wish for appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Be careful what you wish for Be careful what you wish for Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.