Facebook

‘Impeach Leonen’ basura, at ang ‘Bayanihan 3’

HINDI na pinatagal pa ng mga kongresista ang pagbasura sa ‘Impeachment’ complaint laban kay Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen.

Kinatay agad sa House Justice Committee ang impeachment complaint na isinampa ni Edwin Cordevilla. 13-0-0 ang resulta ng botohan ng mga mambabatas na miembro ng komite.

Ayon sa mga mambabatas, ang complainant ay walang personal na alam at ‘di authentic ang hawak na mga dokumento para maging basehan sa pag-usad ng impeachment laban kay Leonen.

Actually, si Cordevilla ay front lang rito. Ang talagang nasa likod ng pagpapa-impeach kay Leonen ay ang nata-long Vice Presidentiable na si dating Senador Bongbong Marcos dahil sa pagkatalo nito sa isinampang election recount laban kay Vice President Leni Robredo sa Korte Suprema, kungsaan si Leonen ang umupong head ng Presidential Election Tribunal (PET), ang nagdedesisyon sa election protest ng presidente at bise presidente ng Pilipinas.

Ang nag-endorso sa Kongreso sa impeachment complaint ni Cordevilla ay ang pinsan ni Bongbong na si Ilocos Norte 2nd District Representative Angelo Barba.

Ang nangalap naman ng mga ebidensiya tulad ng Statement of Assets, Libilities and Networth (SALN) laban kay Leonen ay si Solicitor General Jose Calida, kilalang Marcos loyalist.

Si Calida rin ang nasa likod ng pagpa-impeach kay Chief Justice Ma. Lourdes Sereno via ‘Quo Warranto’ kungsaan SALN din ang naging ebidendsiya para mapatalsik si Sere-no sa puwesto.

SALN din ang naging rason kaya napatalsik noon ng kampo ni noo’y Presidente Noynoy Aquino si late Chief Justice Renato Corona.

Ganito ka-deadly ang SALN. Nasa Saligang Batas kasi natin na lahat ng government workers ay mandatory magsumite ng SALN kada taon para malaman ang mga nakamal o naipundar nilang ari-arian habang sila’y nasa go-bierno.

Pero teka, bakit sina Pangulong Duterte at SolGen Calida ayaw isapubliko ang kanilang SALN? Unfair, di ba?

Oo! Dapat si Presidente Duterte ang manguna sa transparency lalo’t ipinangalandakan niyang lilipulin niya ang mga korap. Dapat isapubliko niya ang kanyang SALN para lahat ng kanyang “alter ego” ay maglantad din ng kanilang SALN. Mismo!

Anyway, sa pagbasura ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban kay Leonen, makapagtatrabaho na ng maayos ang mahusay na Mahistrado. At para sa mga taong nasa likod ng pagpapatalsik kay Leonen, hanggang Mayo 2022 nalang kayo, mga ulol!

***

Tama ang ilang Senador na bago ipasa ang ‘Bayanihan 3’ o Social Amelioration Program 3 (SAP) ay ubusin muna ang pondo ng Bayanihan 2 o SAP 2.

Hanggang ngayon kasi ay hindi parin natatapos ng DSWD ang pamamahagi ng pondo sa SAP 2 eh noong Nobyembre 2021 pa ito naipasa. Hanggang Hunyo pa raw ang deadline ng pamamahagi nito, ayon sa DSWD.

Ang SAP 3 ay popondohan ng P108 billion para raw pambili ng Covid vaccibes, pantulong sa mga naapektuhan ng higit isang taon nang pandemya ng Covid at mga masasalanta ng kalamidad.

Okey ito. Pero ayusin nyo muna ang SAP2, mga bo-sing!

The post ‘Impeach Leonen’ basura, at ang ‘Bayanihan 3’ appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
‘Impeach Leonen’ basura, at ang ‘Bayanihan 3’ ‘Impeach Leonen’ basura, at ang ‘Bayanihan 3’ Reviewed by misfitgympal on Mayo 27, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.