SINABI ng Department of Health (DOH), University of the Philippines – Philippine Genome Center (UP-PGC), at ng University of the Philippines – National Institutes of Health (UP-NIH) na may 10 pang kaso ng B.1.617.2 variant o Indian variant ng COVID-19 ang natukoy nila sa bansa.
Gayundin, inihayag ng DOH na naka-detect pa sila ng karagdagang 13 na B.1.1.7 variant cases o UK variant, pitong B.1.351 variant cases o South Africa variant, at isa pang P.3 variant case o Philippine variant, sa may 37 specimen na sinuri nila nitong Biyernes, Mayo 14, 2021.
Ang naturang pinakahuling sequencing run ay kinabibilangan ng samples mula sa mga crew members ng MV Athens Bridge, mga returning overseas Filipinos (ROFs) na may relevant travel history, at mga namatay na severe o critical COVID-19 cases.
Ayon sa DOH, ang 10 natukoy na Indian variant cases ay karagdagan sa dalawang una nang kaso na unang naiulat noong Mayo 11, kaya’t sa kabuuan ay umaabot na ngayon sa 12 ang kumpirmadong Indian variant ng COVID-19 sa bansa.
Sa naturang 10 kaso ng sakit, isa ang seafarer mula sa Belgium at siyam naman ang crew members ng MV Athens Bridge.
Nabatid na ang seafarer bumaba ng barko sa Belgium at saka lumipad pabalik sa Maynila via United Arab Emirates (UAE). Dumating siya sa bansa noong Abril 24, 2021 at nakakumpleto ng isolation period noong Mayo 13, 2021.
Ang siyam namang iba pang B.1.617.2 cases ay mula naman sa 12 PCR-positive Filipino crew ng MV Athens Bridge. Apat sa kanila ang ang nananatili pang naka-admit sa isang pagamutan sa Maynila ngunit pawang nasa maayos ng kondisyon, habang ang limang iba pang ay nasa isang isolation facility.
Ang tatlo pa namang PCR-positive crew members na hindi eligible para sa sequencing ngunit nananatili pa ring nasa isolation facility.
Samantala, iniulat rin ng DOH na may karagdagan pang 13 UK variant cases sila na natukoy sa bansa, kabilang dito ang tatlong ROFs at 10 local cases.
Base sa case line list, isa sa mga ito ang namatay na habang ang 12 naman ay nakarekober na.
Sa karagdagan namang pitong South Africa variant cases, nabatid na dalawa ang ROFs, dalawa ang local cases, at tatlong kaso ang kasalukuyan pang biniberipika kung sila ay local o ROF cases.
Base naman sa case line list, dalawa sa mga ito ay nananatiling aktibong kaso pa, isa ang namatay na at apat naman ang nakarekober.
Ang karagdagan namang P.3 variant case ay natukoy na local case at taga- Region IX. Binawian ito ng buhay noong Pebrero 28, 2021.
Ayon sa DOH, ang P.3 variant ay hindi pa rin itinuturing na variant of concern (VOC).
“This variant is currently being investigated and information continually collected to determine its public health implication,” sabi ng DOH.
“While the government is implementing stricter border control measures, the DOH urges the public to strictly adhere to the minimum public health standards and immediately get vaccinated when it’s their turn. By following these measures, infection and further mutation of COVID-19 can be prevented. A low transmission rate means fewer chances for the virus to mutate,” ayon pa sa DOH. (ANDI GARCIA)
The post 10 pang India COVID-19 variant, natukoy sa ‘Pinas — DOH appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: