Facebook

Nasaan na ang galunggong!

SIKAT ang isdang galunggong sa panahon ng administrasyon ng namayapang Presidente Cory Aquino. Halagang Php 60 lamang ang kada kilo ng isdang kung tawagin ng mga ordinaryong tao ay GG at sa panig ng mga elitista ay “Poorman’s Fish” naman ang turing dito.

Natawag ang pansin ng kauna-unahang babaing pangulo ng bansa dahil sa panawagan nitong ibalik sa dating presyong Php 30 per kilo ng pinaka-palasak na isdang nabibili sa lahat na pamilihan sa bansa simula nang maupo bilang Presidente ng Pilipinas noong 1986.

Pagkaupong- pagkaupo pa lamang ni Tita Cory ay nakiusap na ito sa mga negosyante na ibalik sa dating Php 30 kada kilo ang GG. Ngunit sa looban ng termino nito ay lalo lamang pumaimbulog ang presyo ng nasabing isda.

Saksa ang GG saan mang sulok ng pamilihan sa buong bansa pagkat tone-tonelada ito kung idating at pinapakyaw ng mga mamumuhunan sa mga malalaking casa ng isda sa Port of Navotas at sa iba pang malalaking bagsakan ng isda sa Luzon, Visayas at Mindanao.

Saan man sumuling na palengke ay sagana ang GG ngunit umaangal naman ang mga mamimili pagkat di na naibalik ang dati ay Php 30 na presyo, nanatili na ito sa presyong Php 60 sa mga palengke.

Parang daloy ng masaganang tubig mula sa mga bukal at ilog ang supply ng GG pagkat saan mang panig ng karagatan ng ating bansa ay ito ang pangunahing nahuhuli ng mga mangingisdang Pinoy.

Ang mga pangkaraniwang maglalambat hanggang sa malalaking lokal na fishing trawlers ay malaya, payapa at walang pangamba pa noon na nakakapamalakaya hanggang karagatan at bahurang sakop ng West Philippine Sea (WPS). Dito nila nasumpungan ang kanilang paraiso, mina ng GG at iba pang uri ng likas na yamang-dagat ng bansa.

Ngunit sa pagpasok ng Administrasyong Duterte ay naging agresibo ang mga ganid na Instsik sa pangangamkam ng mga karagatan at bahurang sakop ng WPS. Hina-harass ng Chinese Navy at mangingisda ang mga Pinoy fisherman kaya mangilan-ngilan na sa mga ito ang nakapangangahas na pumalaot sa karagatan at bahurang sakop ng WPS.

Ang resulta ay ang pagkakaroon ng artipisyal na tagsalat sa isda lalo na sa GG na sinasamantala naman ng mga lokal na negosyante, karamihan pa ay mga dayuhang Intsik na nakapuslit lamang papasok ng bansa at nakapagtayo ng casa o malakihang pakyawan ng isda.

Tulad ng nakitang remedyo sa pekeng shortage ng supply ng karneng baboy, ay mga Intsik din ang iniuulat na may pakana sa kartel ng isda kasabwat ang ilang opisyales ng Adminstrasyong Duterte.

At kumustahin naman natin kung saan inaangkat ang GG? Walang iba kundi sa bansang China din, saan pa nga ba? Ganyan kamahal ng ilang korap nating lider ng pamahalaan ang mga Intsik, Love na love nila talaga!

Ngunit sa kabalintuan pa, ang mga imported na GG mula sa China ay sa mismong mga karagatan natin sa WPS hinuhuli ng mga mangingisdang Intsik na sakay ng fishing vessel flotilla na ang pinakahulli ay nadiskubre sa Julian Felipe Reef (Whitsun) kamakailan lamang. Anong nangyari? Bakit ang masaganang galunggong na nahuhuli sa sarili mismomg mga karagatan ng Pilipinas ay ipinagbibili ng mga Tsino sa mga Pilipino?

Natuklasan ng Philiipine Navy na may mahigit pa sa 300 Chinese fishing boat ang kasalukuyang nasa WPS karamihan pa sa mga ito ay naglululan ng Chinese militia. Hindi ang mga ito mapalayas ng mga miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa babala ni Pangulong Rodrigo Duterte na baka giyerahin ng China ang Pilipinas.

Ang mga Tsino, bukod sa may malalaking fishing boat ay gumagamit din ng modernong sistema ng pangingisda kaya naagawan ng mga ito ng kabuhayan ang umaabot sa .7 milyong lokal na mangingisda.

May ulat na aabot naman na sa halagang Php 200 ang pinakamababang presyo ng imported na GG sa mga susunod na linggo.

Sinabi ni Retired Supreme Court Associate Justice Antonio Carpio na sa ilalim ng ating Konstitusyon ay tanging ang mangingisdang Pinoy lamang ang may karapatan na makapangisda sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng WPS.

Ngunit nauna nang inamin ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na may verbal na kasunduan siya at si Chinese President XI Jinping para malayang makapasok at makapangisda ang mangingisdang Intsik sa karagatan at bahurang saklaw ng sa EEZ-WPS.

Ayon naman kay Carpio, iligal ang nasabing kasunduan na mag-isang pinasok ni Digong, walang kapahintulutan o pagsang-ayon ang mga mambabatas sa Kongreso at Senado.

Ang mga Intsik ang may pinakamalaking hukbo ng mangingisda sa buong mundo at tinatayang may 200, 000 fishing vessel.

Ngunit karamihan pa nga sa mga tripulante ng fishing vessel ng mga ito ay mga opisyales at miyembro ng Chinese militia.

Ang tunay namang layon ng mga Intsik ay ang mangamkam ng mga teritoryo, bahura at karagatan ng mahihina at mapagtiwalang host na bansa, tulad ng Pilipinas.

***

Para sa komento: Cp # 09293453199 at 09664066144, email: sianing52@gmail.com

The post Nasaan na ang galunggong! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Nasaan na ang galunggong! Nasaan na ang galunggong! Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.