Facebook

Paring nilabag ang ika-10 Utos ng Diyos

I know no man who feels deeper disgust than I do at the ambition, avarice, and profligacy of the priesthood, as well because every one of these vices is odious in itself, as because each of them separately and all of them together are utterly abhorrent in men making profession of a life dedicated to God. — Italian historian and statesman Francesco Guicciardini

PASAKALYE
Text message . . .
To CBCP . . . Tangalin at palitan si Fr. JEROME SECILLANO bilang parish priest ng Nuestra Señora Perpetuo Socoro parish dahil lagi siyang wala at upang matapos na ang matagal nang ginagawang simbahan. — Concerned parishioners (09206047576, May 10, 2021)

Text message . . .
Bishop ROGER, alam n’yo po ba na may minimisahan si Bishop HOBAYAN sa Miraculous Hills sa San Isidro, Rodriguez, Rizal tuwing ika-4 na Linggo ng buwan? Please verify pos a hawak po ninyong Obispo? Lasenggo po? Laging zigzag ang pag-uwi po? — Concerned citizen ng Miraculous Hills (0948321…., May 4, 2021)

* * *

KADALASAN, ang pananahimik ay maaaring ikonsidera bilang ‘oo’ o pag-amin sa akusasyon laban sa taong hindi kumikibo laban sa mga paratang laban sa kanya.

Ito kay ang nangyari sa kinasasangkutan kontrobersiy ng isang ginang na may asawa at inakusahan ng kanyang mister na nangalunya sa ibang lalaki—na isang pari pa man din?

Ang kuwento at tungkol sa isang pari sa Pampanga na paksa ngayon sa isang viral video makaraang akusahan ng isang lalaki na mayroon umanong relasyon sa kanyang maybahay, na nagbunsod naman sa arsobispo ng lalawigan na patawan ng parusa ang nasabing pari.

Makikita sa video na nasa YouTube ang isang lalaki na kinokompronta ang isang pari sa loob ng social hall ng parokya. Binasag sa harapan ng pari ang kanilang family portrait at galit na pinaalalahanan ang kausap na nilabag nito ang isa sa 10 Utos ng Diyos na nagsasabing “huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa.”

Nagpaumanhin ang pari ng paulit-ulit sa lalaki, subalit lalo namang naging emosyonal ang huli at sinabihan ang pari na isa siyang “ahas.”

Nasaksihan ng anak ng lalaki ang komprontasyon at binantaan ang pari na maaari siyang sumailalim sa imbestigasyon dahil sa pakikipagrelasyon sa kanyang ina. Sinasabing naroroon ang ginang sa social hall subalit nakakapagtakang wala itong imik sa pangyayari.

Nilinaw naman ni Pampanga Archbishop Florentine Liveries na ang paring piunaguusapan, na itinago na ang pangalan, ay inalis na sa kanyang parokya. Sinabihan din ni Liveries ang pari na maaari lang siyang pmagdiwang ng misa habang nasa kanyang sariling tahanan—at hindi sa publiko.

* * *

PARA sa inyong komento o suhestyon, reklamo o kahilingan, magpadala lamang ng mensahe o impormasyon sa aking email na filespolice@yahoo.com.ph o dili kaya’y i-text n’yo na lang ako sa aking cellphone numbers na 09054292382 para sa Globe at 09391252568 para sa Smart. Salamat po!

The post Paring nilabag ang ika-10 Utos ng Diyos appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Paring nilabag ang ika-10 Utos ng Diyos Paring nilabag ang ika-10 Utos ng Diyos Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.