Facebook

Eto ang pang-51 natin

NADAGDAGAN ng isa pa ang ating score card sa pagtutok sa mga kaso ng karahasan laban sa ating mga kabaro na kabilang sa media sector, nang mahatulan ng walong taon na pagkabilanggo ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Philippine Star correspondent Celso Amo, tatlong taon na ang nakalipas.

Si Amo ay dati rin bahagi ng Philippine News Agency.

Ito pang-51 na kaso na tinutukan ng Presidential Task Force on Media Security (PTFoMS) na nagbunga sa pagbaba ng hatol sa salarin, matapos ang mahabang taon ng paglilitis. Kabilang na rito ang 31 nahatulan din nang dahil sa Maguindanao Massacre at 19 na iba’t iba pang kaso ng pagpaslang sa mga mamamahayag.

Ang hatol ay ginawad ni Judge Elmer Lanuzo ng Regional Trial Court ng Legaspi City sa suspek na si Adam Johnson Abanes, matapos itong umamin sa mas mababang krimen na “Death by Tumultuous Affray” o kung isasalin natin sa wikang tagalog ay pagpatay dahil sa panggugulo.

Pinagbabayad din ang suspek ng isang daang libong piso (P100K) bilang danyos sa pamilya ng biktima.

Siyempre ikinalugod naman ang desisyon, ng ating boss na si Presidential Communications Operations Office (PCOO)) at PTFoMS Co-Chairman Secretary Martin Andanar na nagsabing ito ay patunay na ang Administrasyon Duterte ay patuloy na nagsusumikap na masuportahan ang hanay ng media na maigawad ang hustisya sa mga naging biktima ng karahasan.

Hindi naman talaga tayo titigil sa paghahanap ng hustisya para sa ating mga kabarong napapaslang sa pagtupad man ng kanilang tungkulin o kaya nama’y sa ibang kadahilanan. Hindi natin ito palalampasin ng di napaparusahan ang may gawa ng krimen.

Ang hatol siyanga pala ay iniulat sa PTFoMS ng ating matagal ng kaibigan sa kapulisan na si Police Brig. Gen. Bartolem “Bart” Bustamante ng PNP Region 5 Office (PRO5) bilang bahagi ng ugnayan ng PNP at PTFoMS at ng pamahalaan na tutukan ang mga krimen laban sa media sa buong bansa.

Ang suspek na si Abanes ay nauna nang kinasuhan ng kasong homicide sa pagpatay kay Amo noong November 11, 2018 matapos ang mainitang pagtatalo ng dalawa sa isqng laro ng basketball sa Daraga, Sorsogon.

At kahit nasa gitna tayo ng pandemya ang inyong Task Force ay mananatiling nakatuon sa misyon nito na protektahan ang seguridad ng mga mamamahayag, maging ang kanilang buhay at kalayaang mag-ulat, na siya namang ipinangako ng Pangulong Rodrigo Roa Duterte magmula nang ito ay manungkulan bilang lider ng bansa, at agad niyang itinatagtag sa isang kauutusan ang PTFoMS.

Ang napakaraming krimen na nagawa sa hanay ng media noon pang mga panahon ng mga naunang administrasyon ang nagtulak kay Pangulong Duterte na itatag ang PTFoMS noong 2016, upang magbigay suporta sa pamamagitan ng pagiimbestiga at pagreresolba sa mga kaso ng karahasan sa media sa bansa.

The post Eto ang pang-51 natin appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Eto ang pang-51 natin Eto ang pang-51 natin Reviewed by misfitgympal on Mayo 15, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.