PINANGUNAHAN ni Senator Christopher “Bong” Go “virtually” ang pagbubukas ng ika-106 Malasakit Center sa Don Jose S. Monfort Medical Center Extension Hospital sa Barotac Nuevo, Iloilo.
Sa kanyang speech bilang special guest, inamin ni Go na napuno na ang mga ospital sa bansa ng mga pasyenteng nangangailangan ng medikal na atensyon dahill sa COVID-19 pandemic kaya nangako siya na patuloy na isusulong ang pagpapalakas sa mga pasilidad pangkalusugan at ang pagsasaayos ng access sa public health services sa buong kapuluan.
“Witness ako doon. Napakaraming hospitals ang kulang ang hospital beds. Wala pa ang pandemyang ito, nakikita ko nakalinya na ang mga kama sa labas ng corridor, ang mga batang pasyente nagtatabi sa isang kama. Paano natin mao-observe ang social distancing sa panahong ito kung ganyan ang sitwasyon natin?” ani Go.
“Kaya I am here to give my support para ma-increase ang bed capacities ng ating public hospitals. I am very willing to help para mapabilis at mapirmahan agad ni Presidente Rodrigo Duterte ang mga kailangang batas,” idinagdag niya.
Pinasalamatan ng senador ang medical frontliners para sa kanilang serbisyo at sakripisyo sa paglaban sa COVID-19.
Batid niya ang lubos pang suporta sa medical frontliners bunsod ng paglobo ng virus sa ilang critical areas.
“Alam kong kulang na kulang ang ating health workers sa panahong ito at maraming mga bagong graduates ng medical fields ang gusto nang makapagserbisyo sa ating mga kababayan pero kailangan muna silang makapag-board exam,” sabi ni Go.
“Nakausap ko ang Inter-Agency Task Force at last week pumayag na sila na bigyan priority ‘yung mga personnel at examiners ng Professional Regulation Commission para hindi maantala lalo ang nursing board exams,” ayon sa senador na nauna nang umapela sa National Task Force Recovery Cluster at umayon naman na isama ang PRC frontline personnel sa A4 priority group na babakunahan.
Bilang chairman ng Senate Committee on Health, tiniyak ni Go sa medical frontliners ang kanyang commitment na ipo-promote at ipaglalaban ang kanilang kapakanan.
“Bilang long-time health advocate, personal kong misyon ang palakasin ang kalusugan ng ating mga kababayan. Kaya sinisigurado ko na isusulong ko ang mga batas, polisiya at programa na magpapabuti ng kalusugan ng bawat Pilipino,” anang mambabatas.
“Ngayon na nasa gitna tayo ng pandemya, we are trying to balance the economy and public health. Pero para sa akin, dapat unahin natin ang kalusugan at buhay ng bawat Pilipino dahil a lost life is a lost life forever,” idiniin niya.
Ang Don Jose S. Monfort Medical Center ang ikalawang ospital sa Iloilo na mayroon nang sariling Malasakit Center, bukod sa Western Visayas Medical Center (WVMC) sa Iloilo City.
“Huwag po kayong magpasalamat sa amin ni Pangulong Duterte para sa Malasakit Center. Kami dapat ang nagpapasalamat dahil binigyan niyo kami ng pagkakataon na magserbisyo. Mga Bisaya, mga probinsyano po kami … na binigyan ng pagkakataon na maglingkod kaya hindi namin sasayangin ito. Up to the last day of our term and even beyond, magseserbisyo kami sa aming kapwa Pilipino.”
“Ito ang tanging layunin namin … wala nang ibang hangarin ang ating mahal na Pangulo kung hindi ang kabutihan ng taumbayan. Sinugal na niya ang lahat kaya sasamahan ko siya hanggang sa huli,” patuloy ni Go. (PFT Team)
The post 106th Malasakit Center binuksan ni Bong Go sa Iloilo appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: