Facebook

Desisyon ng PRC na agahan ang Nursing Licensure Exam, pinuri ni Bong Go

PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang desisyon ng Professional Regulation Commission na ire-schedule ang Nursing Licensure Examination (NLE) sa mas maagang petsa upang ang mga fresh graduates na makapapasa sa pagsusulit ay agad maisabak sa pakikipaglaban ng bansa sa pandemya.

“Nagpapasalamat po tayo sa naging desisyon ng PRC na agahan ang nursing licensure examinations sa bansa upang madagdagan ng mga bagong board passers ang kasalukuyang bilang ng healthcare professionals sa ating bansa,” sabi ni Go.

“Napakahalaga po nito ngayon, lalo na at may pandemya kung saan hindi lamang temporary medical facilities ang kailangan nating dagdagan kundi pati na rin ang bilang ng ating mga healthcare professionals na mangangalaga sa ating mga kababayan laban sa COVID-19,” dagdag ng senador.

Inanunsyo ng PRC na ang nakatakdang May 2021 Nursing Licensure Exam subalit naurong nang November 2021 ay isasagawa na sa July 3-4, 2021.

Iniliban ang NLE dahil sa paglob ng COVID-19 cases.

“Maituturing dapat na essential workers ang mga miyembro ng PRC na nagsasagawa ng mga professional board exams. Kung protektado sila dahil sa bakuna, mas makakapagtrabaho sila ng maayos para hindi maantala ang mga kailangan ng ating mga kababayan para sa kanilang mga propesyon,” sabi ni Go.

Sa liham ng PRC sa Senate Committee on Health na pinamumunuan ni Go, humiling ng assistance ang ahensiya na ang frontliners at miyembro ng Professional Regulatory Boards at iba pang personnel nito ay maisama sa vaccination program dahil palagi silang exposed sa COVID-19.

Agad namang itinulak ni Go ang hiling ng PRC bilang pagkilala sa krusyal na papel ng ahensiya at pagsuporta na rin sa kapakanan ng professionals.

“Limitado po ang galaw natin ngayon upang mapigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19. Ngunit kailangan rin natin ikonsidera ang mga pangangailangan sa propesyon ng ating mga kababayan na maaaring mawalan ng kabuhayan kung patuloy na maaantala ang mga operasyon ng PRC,” ani Go.

“Palagi po nating binabalanse lahat. Habang pinoprotektahan natin ang buhay ng bawat Pilipino, pinoproteksyunan rin natin ang kanilang kapakanan at kabuhayan,” pangwakas ng senador. (PFT Team)

The post Desisyon ng PRC na agahan ang Nursing Licensure Exam, pinuri ni Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Desisyon ng PRC na agahan ang Nursing Licensure Exam, pinuri ni Bong Go Desisyon ng PRC na agahan ang Nursing Licensure Exam, pinuri ni Bong Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 04, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.