NANANATILI ang posisyon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana laban sa pang-aangkin at pananakop ng China sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Lorenzana, dapat lisanin ng mga barko ng China ang WPS, partikular ang Julian Felipe Reef, kung saan nakadaong ang mahigit 300 barko ng naturang bansa.
Isa sa armadong puwersa ng Department of National Defense (DND) ay ang Philippine Navy (PN).
Malaki ang papel, tungkulin at obligasyon ng PN upang matiyak na hindi maaagaw at hindi masasakop ang karagatang pag-aari ng Pilipinas.
Sa ibang salita, dapat ipinagtatanggol ng Navy ang soberenya at kasarinlan ng ating bansa.
Kaso, bihirang napapabalita sa media na kumikilos nang tuluy-tuloy ang Navy sa pagtupad sa papel, tungkulin at obligasyon nito para sa Pilipinas at mamamayang Filipino.
Kung totoong ginagampanan ng PN ang kanyang trabaho, papel, tungkulin at obligasyon na ipagtanggol ang WPS laban sa China, naibalita sana ito sa media.
Imposible namang hindi malaman ng mga mamamahayag na nakatalaga sa DND at Armed Forces of the Philippines (AFP) kung hindi nila malalaman kung masipag, o batugan, ang PN.
Iwasto ninyo kung mali ang sinasabi ko na trabaho, papel, tungkulin at obligasyon ng PN na ipagtanggol ang WPS mula sa mga dayuhang hangad na angkinin at sakupin ito, o bahagi nito.
Ang nakarating na impormasyon sa akin ay kinontak at nakipag-ugnayan ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa Region 1 kung saan hinanting nila ang mga mangingisdang Filipino na naglalayag at nangingisda sa karagatan ng Pilipinas na sakop ng unang Region 1.
Pokaragat na ‘yan!
Maliban sa PN, hindi rin maipagkakailang mahalaga ang papel, tungkulin at obligasyon ng Philippine Coast Guard (PCG) sa bantayan ang WPS.
Naniniwala akong mayroon ding papel na dapat gampanan ang PCG upang maprotektahan ang karagatan ng Pilipinas.
Batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), mayroong 370 – kilometrong exclusive economic zone (EEZ) ang Pilipinas sa karagatang nakapalibot sa kanya.
Ang nasabing EEZ ay pinagtibay ng The Hague International Court noong 2016, dahilan kung bakit ligal na pag-aari ng Pilipinas ang WPS.
Kaya, walang dahilan upang balewalain ng Coast Guard ang karagatang nakapalibot sa Pilipinas.
Dapat nga ay tuluy-tuloy din ang pagtugon sa papel, tungkulin at obligasyon nitong proteksyunan at ipagtanggol ang WPS laban sa mga dayuhang sadyang nang-aangkin at nag-aagaw sa WPS.
Kaya lang, labis akong nanlulumo dahil ang PCG ay higit na binabantayan ang mga maliliit na mangingisdang Filipino.
Pokaragat na ‘yan!.
Ang masahol sa ginagawa ng mga korap sa PCG ay kumikita sa mga mangingisda.
Bukod sa buwanang tara, nanghihingi pa ng mga isda sa mga mangingisda.
Pokaragat na ‘yan!
The post Walang aksyon ang Navy at Coast Guard laban sa China appeared first on Police Files! Tonite.
Source: Police Files Tonite
Walang komento: