Facebook

10th Malasakit Center binuksan sa Kidapawan City

BILANG bahagi ng patuloy na pagsisikap na mapabuti ang serbisyong pangkalusugan sa bansa, pinuri at personal na pinangunahan ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagbubukas ng ika-110 Malasakit Center sa Cotabato Provincial Hospital sa Kidapawan City, North Cotabato.

“Hindi na ninyo kailangan pang pumila sa iba’t ibang opisina para humingi ng tulong mula sa gobyerno. Isinulong ko ang batas na ito para tulungan kayo. Sa ngayon, mayroon na tayong 110 Malasakit Centers sa buong bansa. Kaya lapitan niyo lang ito dahil para talaga sa inyo ‘yan,” ang paliwanag ni Go, ang may akda ng ‘Malasakit Centers Act of 2019’.

Nilagdaan ni President Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11463, mas kilala bilang Malasakit Centers Act of 2019, noong December 2019. Layon nito na maging existing at maabot ng mga Filipino ang lahat ng government medical assistance programs sa pamamagitan ng pagsasama-sama sa lahat ng concerned agencies sa iisang bubong o opisina—kinabibilangan ng Department of Health, Department of Social Welfare and Development, Philippine Health Insurance Corporation at Philippine Charity Sweepstakes Office.

“Isa sa ating ipinaglaban noon ay ang pagtatayo at pagsasabatas ng Malasakit Centers. Hindi natin inasahan noon na may ganitong krisis pangkalusugan na darating sa buhay natin. Gayunpaman, nagpapasalamat ako sa Diyos na ipinagkaloob sa atin ang programang ito para may matatakbuhan ang mga Pilipino upang makakuha ng tulong pampagamot sa mga panahong buhay at kalusugan na ang nakataya,” ani Go.

“At bilang Chair ng Senate Committee on Health, sisiguraduhin natin na patuloy ang pagbubukas ng Malasakit Centers sa iba’t ibang parte ng bansa upang mailapit sa tao ang ginhawa ng serbisyong dapat nilang makuha,” idinagdag niya.

Sinabi ng senador na walang pinipili ang tulong mula sa Malasakit Center.

“Basta Pilipino ka, kwalipikado ka. Pera ninyo ito na ibinabalik sa inyo sa pamamagitan ng mabilis, maayos at maaasahang serbisyong pang-medikal,” ayon sa mambabatas.

Ang Cotabato Provincial Hospital ang ikaapat na ospital sa Region 12 na nagbukas ng sarili nitong Malasakit Center, kasunod ng Dr. Jorge P. Royeca Hospital sa General Santos City, South Cotabato Provincial Hospital sa Koronadal City at Sultan Kudarat Provincial Hospital sa Isulan, Sultan Kudarat. (PFT Team)

The post 10th Malasakit Center binuksan sa Kidapawan City appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
10th Malasakit Center binuksan sa Kidapawan City 10th Malasakit Center binuksan sa Kidapawan City Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.