Facebook

OFW village itatayo sa Kidapawan City — Bong Go

DINALUHAN ni Senator Christopher “Bong” Go ang groundbreaking ceremony ng Overseas Filipino Workers village sa Kidapawan City, North Cotabato.

Pinasimulan ng National Housing Authority, ang OFW Village ay housing project para sa mga walang tirahan, walang lupa at underprivileged OFWs na naninirahan sa Kidapawan City na grabeng nasalanta ng magkakasunod na lindol noong 2019.

Ang Housing Project ay makalilikha ng 181 lote na may sukay na 120 sq. meters (10mx12m).

Sinabi ni Go na kinikilala ng pamahalaan ang mga sakripisyo ng OFW para lamang buhayin ang kani-kanilang pamilya kaya dapat lamang na mapagkalooban sila ng oportunidad sa pabahay, lalo na ang mga pamilyang naapektuhan ng krisis at kalamidad.

“Sa aming mga OFWs, gusto kong malaman ninyo na narito kami sa gobyerno na handang tumulong sa inyo,” ani Go na nagsabing patuloy niyang isusulong ang pagpapasa ng inihain niyang panukala na layong maestablisa ang Department of Overseas Filipinos na siyang tutugon sa kahusayan ng mga Filipino sa ibayong dagat at sa kanilang pamilya.

“Dahil nasa gitna pa tayo ng pandemya at sunod-sunod ang mga kalamidad, ang pangunahing prayoridad namin ni Presidente Rodrigo Duterte ay tulungan ang ating mga naghihirap na kababayan para malampasan nila ang mga krisis na ito,” ayon sa senador. (PFT Team)

The post OFW village itatayo sa Kidapawan City — Bong Go appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
OFW village itatayo sa Kidapawan City — Bong Go OFW village itatayo sa Kidapawan City — Bong Go Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.