Facebook

Usad pagong na DoH; Bakuna mag-expire na!

KAYA napag-iiwanan ang Pilipinas sa Covid-19 response ay dahil sa usad pagong na Department of Health (DoH). Napaka-lousy talaga ng mga tao rito, siguro dahil narin sa “incompetent” officials ng departamento partikular si Health Secretary Francisco Duque.

Oo! Nagrereklamo ang mga local government unit (LGU) na silang nagsasagawa ng vaccination dahil ubos na raw ang kanilang bakuna ay wala pa ang sunod na mga delivery!

Gaya sa Maynila at Quezon City, all-out sila sa pagbakuna sa kanilang frontliners, mga may kapansanan at seniors. Pero bumabagal dahil nauubusan sila ng bakuna mula sa national government.

Tulad nitong Huwebes, nagreklamo ang mga maagang nakapila (8:00am) sa vaccination site sa Maynila dahil alas-dose ng tanghali na sila nabakunahan. Ang rason: Naubusan ng bakuna ang LGU dahil hindi nakapag-deliver ang DoH.

Sabi nga ni Mayor Isko Moreno: “Super slow ang DoH sa pag-deliver ng bakuna.”

Ang sagot ng DoH sa pamamagitan ni Usec. Myrna Cabotaje, ang head ng Vaccine Cluster: “Sa kanya super slow kasi mabilis siyang magbigay ng bakuna”.

Ang sagot na ito ni Cabotaje ay nakakapag-init ng ulo, ‘di ba mga pare’t mare?

Kaya napag-iiwanan ang Pilipinas sa pagtugon sa problema sa Covid-19 ay dahil narin sa mga lousy na opisyales ng pamahalaan. Magagaling lang sa salita, pero mabagal sa gawa! “Super slow” talaga!!!

Kaya maraming gamot ang nag-e-expire lang sa DoH dahil hindi nadi-distribute sa mga LGU. Mismo!

Tulad nitong dumating na mahigit 2 milyong doses ng bakunang AztraZeneca na donasyon ng Amerika, mag-e-expire na ito sa Hunyo e wala pa yata sa kalahati ang naitu-rok sa mga priority bakunahan. Kasi hindi pa nai-distribute sa LGUs.

Sa LGUs walang problema. Basta kapag may ibinigay sa kanila na bakuna ang DoH, ora mismo ay magsasagawa sila ng vaccination mula umaga hanggang gabi, araw-araw. Tama ba ako, Mayor Isko at Mayor Joy Belmonte?

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 70 milyon sa 110 milyong population ng Pilipinas. Ang nababakunahan ay wala pa yatang 3 milyon. Susmaryusep!

Ito ang dapat tutukan ngayon ni Pangulong Rody Duterte. Ang DoH. Pukpukin si Duque. Ipa-distribute kaagad sa LGUs ang bawat bakunang dumarating para mapabilis ang roll out, mabakunahan na ang lahat bago pa dumating ang kampayahan sa Eleksyon 2022. Pls…

***

Panauhin namin nitong Biyernes sa lingguhang ‘Meet the Press’ ng National Press Club via Zoom sina Anakalusugan Rep. Mike Defensor, Dr. Edwin Bien at Dr. Charles Yu.

Iginigiit ni Defensor na dapat nang payagan ng gobyerno ang paggamit ng gamot na Ivermectin laban sa Covid-19 dahil napakarami na aniyang nagpapatunay na ito’y epektibo laban sa Covid.

Ito rin ang giit ni Dr. Bien. Aniya, ang Ivermectin ay very effective laban sa Covid, pero ipinapayo rin niya ang pagpabakuna kahit umiinom na ng Ivermectin.

Pero ‘di sang-ayon dito si Dr. Yu. Kulang pa raw ito sa pag-aaral. Gayunpaman, hindi niya kinokontra ang mga nagsusulong ng Ivermecten. Ang sa kanya, mas mainam na hintayin muna ang resulta sa pag-aaral sa Ivermectin bago ito gamitin. Keep safe!

The post Usad pagong na DoH; Bakuna mag-expire na! appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Usad pagong na DoH; Bakuna mag-expire na! Usad pagong na DoH; Bakuna mag-expire na! Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.