Facebook

3 tulak sa Pasay City huli sa buy bust

TIMBOG ang tatlong tao na nasa drug watchlist ng Pasay Police Station sa isang buy bust operation.
Kinilala ang mga naaresto na sina Rodora Novencido alyas “Dorai”, 39 anyos; Bryan Nietes, 41; at isang menor de edad na babae.
Sina alyas Dorai at Bryan parehong nasa drug watchlist ng Pasay PNP at matagal nang target na malambat ng anti-drugs operatives.
Ilang buwan din kinumbinsi ng isang posuer buyer ng Station anti-drug unit ng Pasay PNP ang dalawa bago nagkasundong magkita sa 2525 Tramo St., Bgy. 60, Pasay City.
Nakumpiska sa tatlo ang shabu na may timbang na 4.76 grams na nagkakahalaga ng P32,368 at 1.53 grams ng marijuana.

The post 3 tulak sa Pasay City huli sa buy bust appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
3 tulak sa Pasay City huli sa buy bust 3 tulak sa Pasay City huli sa buy bust Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.