Facebook

Pagnanakaw sa mall nauwi sa barilan sa Muntinlupa

PINAGHAHANAP ngayon ng mga otoridad ang tatlong tao na sangkot sa pagnanakaw na nauwi sa barilan sa parking lot ng isang mall sa Alabang.
Sa imbestigasyon ng Muntinlupa City Police, nagsimula ang insidente nang makita ng mga tauhan ng Starmall Alabang sa pamamagitan ng CCTV ang pagnanakaw ng spare tire ng isang sasakyang nakaparada sa second floor ng parking building. Nakitang isinakay ang mga nakaw na gulong sa puting SUV.
Inabangan ng mga security guard ng mall ang paglabas ng sasakyan, at nauwi sa pagpapaputok ng baril nang tumanggi bumaba ang mga sakay at piliting tumakas sa mga gwardiya.
Ilang motorsiklo ang nasira nang mahagip ng getaway vehicle na sinasakyan ng mga magnanakaw.
Sa follow up operation ng pulisya, nakita ang SUV na inabandona sa isang condominium sa Barangay Sucat.(Gaynor Bonilla)

The post Pagnanakaw sa mall nauwi sa barilan sa Muntinlupa appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Pagnanakaw sa mall nauwi sa barilan sa Muntinlupa Pagnanakaw sa mall nauwi sa barilan sa Muntinlupa Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.