Facebook

Babaeng nambubudol sa mall sa Maynila timbog

KULONG ang isang babae na madalas nambubudol sa isang mall sa Maynila.
Kinilala ang naaresto na si Susan Gorospe, 40 anyos, nasa kustodiya na ng Ermita Police.
Ayon kay Bocobo Police Community Precinct Commander, Major Anthony Coyle Olgado, madalas na naglalagi si Gorospe sa mall at doon niya pinipili ang mga nagiging biktima.
Kapag nakuha na nito ang loob ng biktima ay uutusan niya ito na pumasok sa CR, magpapalit ng bag at iiwanan na ang biktima.
Inaalam ng pulisya kung kasamahan o may kaugnayan si Gorospe sa isa pa nilang naarestong sangkot sa budol-budol noong nakaraang linggo.(Jocelyn Domenden)

The post Babaeng nambubudol sa mall sa Maynila timbog appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
Babaeng nambubudol sa mall sa Maynila timbog Babaeng nambubudol sa mall sa Maynila timbog Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.