Facebook

NPA political istructor todas sa bakbakan sa Surigao

PATAY ang isang high-ranking personality ng New People’s Army (NPA) sa engkwentro sa pagitan ng kanyang grupo at mga tauhan ng 30th Infantry (Fight On) Battalion, Philippine Army, sa bukiring bahagi ng Sitio Pingaping, Barangay Motorpol, Tubod, Surigao del Norte nitong Huwebes.
Kinilala ang napatay na si Christopher Jhon Trugello alyas “Krokis” at “Ajit”, isang political instructor ng Sandatahang Yunit Pangpropaganda (SYP) Platoon 16C2, Guerilla Front (GF) 16, Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) sa ilalim ni Albert Castañeda alyas JD, ng Purok Rosal, Bgy Quezon, Surigao City.
Kaagad na tumakas ang mga rebelde resulta sa pagkarekober ng kanilang kampo.
Natagpuan ang bangkay ng rebelde at ang bitbit nitong 9mm caliber pistol na may magazine at may mga bala.

The post NPA political istructor todas sa bakbakan sa Surigao appeared first on Police Files! Tonite.


Source: Police Files Tonite
NPA political istructor todas sa bakbakan sa Surigao NPA political istructor todas sa bakbakan sa Surigao Reviewed by misfitgympal on Mayo 14, 2021 Rating: 5

Walang komento:

Pinapagana ng Blogger.